Publisher's Note

  • The 1st quarterof the year is over and yes, time flies so fast. It was just like yesterday when Ed Stelmach stepped down as Premier of Alberta when Alison Redford won the race last year and she became the 1st Woman Premier of Alberta in the political history. Now this coming April 23, 2012, we [...]

    Read full post »


Visitors to Pinoytimes





Page added on June 23, 2010

Email this to a friendEmail This Post Email This Post                      Printable versionPrint This Post Print This Post

‘ROSALKA’, BAGONG DRAMA SA TFC, NAMAMAYAGPAG!

‘ROSALKA’, BAGONG DRAMA SA TFC, NAMAMAYAGPAG! thumbnail

Agad na humataw sa Philippine ratings ang ‘Rosalka’, isa sa pinakabagong drama series sa TFC, noong pilot episode nito.

Ayon sa  Taylor-Nelson Sofres (TNS) ratings results, nagkamit ng 16.9 na rating ang ‘Rosalka’ nationwide. Nanguna rin ang naturang palabas sa Mega at Metro Manila kung saan tumabo ng 14.6 at 14.1 na rating ang kauna-unahang afternoon teleserye ni Empress Schuck.

Lubos naman ang kagalakan ng isa sa mga direktor ng ‘Rosalka’ na si Jeffrey Jeturian nang malaman ang magandang balita. “Ang sarap-sarap talaga ng pakiramdam. To know that the viewers spent time to watch our pilot episode is very flattering. I’m hoping na magtuluy-tuloy po talaga ang kanilang pagsubaybay,” pahayag ng direktor.

Samantala, mas marami pang kapana-panabik na kaganapan ang inyong matutunghayan sa pag-usad ng kwento. Kung akala ninyong hanggang doon na lang ang pagsubok na pagdadaanan ni Rosa (na ginagampanan ni Empress), nagkakamali kayo. Isang kagulat-gulat na rebelasyon ang sasambulat sa mga manonood sa mga darating pang mga linggo.

Mapapanood ang ‘Rosalka’ sa TFC na umaabot sa iba’t ibang sulok ng mundo. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbnglobal.com o sa http://rosalka.multiply.com. Maaari ring sumali na sa official Rosalka Facebook fanpage at sundan ang Rosalka sa www.twitter.com/ROSALKAofficial.