- pinoytimes.ca - http://pinoytimes.ca -

Pinoy to, Anong sayo mo?

Posted By nenette On August 27, 2012 @ 1:06 pm In Views and Opinions | No Comments

By: Glynn Galla

Gaano kahala sayo ang Linggo ng Wika?


Editha Palara-  Calgary, Alberta

“ Mahalaga sa akin ang linggo ng wika sa kadahilanang, dito natin inaalala ang pagmamahal ng ating Pangulo Quezon sa ating bansang Pilipinas. Si Quezon ang nagsilbing intrumento para tayong mga Pilipino ay makaintindihan ano man ang ating pinaggalingan.”

Josephine Burgos- Calgary, Alberta

“ Para sa akin mahalaga ito sapagkat ito ang panahon na ipinagdiriwang ang ating pagiging isang bansang malaya. May sariling pangalan, may sariling wika na pwedeng ipagmalaki sa mundo.”

Mindy Palapar- Calgary, Alberta

“Mahalaga ito dahil binibigyan natin ng parangal ang ating ama ng Wika na si Pangulong Manuel Quezon. Kung hindi dahil sa kanya ang Pilipinas ay hindi lubusang maging isang bansa, kahit ikaw man ay nasa Mindanao o saan man sa Pilipinas ikaw parin ay naiintindihan dahil marunong kang magsalita ng wikang Pilipino.”

Evangeline del Rosario – Calgary, Alberta

“ Sobrang mahalaga sa akin ang linggo ng Wika dahil magsisilbi itong buhay na paalala na ipinamana sa atin ngayon, ito ay pagbibigay pugay sa ating kasarinlan, dapat nating gunitain para ito ay mananatili hindi lamang sa atin kung hindi sa ating mga anak at mga anak ating mga anak.”

Analiza Albrando – Calgary, Alberta

Bilang isang Pilipino at ina mahalaga ito para sa akin dahil para malaman din ng aking mga anak kung saan sila nanggaling, dito man sila ipinanganak sa ibang bansa hindi ko pa rin nalilimutan na ipaalala sa kanila na sila ay Pilipino, may sariling pagkakilanlan at may sariling wika na pwedeng ipagmalaki sa iba.


Article printed from pinoytimes.ca: http://pinoytimes.ca

URL to article: http://pinoytimes.ca/2012/08/views-and-opinions/pinoy-to-anong-sayo-mo/

Copyright © 2009 pinoytimes.ca. All rights reserved.