- pinoytimes.ca - http://pinoytimes.ca -

Dagok ng Buhay

Posted By nenette On August 28, 2013 @ 11:08 pm In Uncategorized | No Comments


Juan Manila

Ano po ba ang nangyari saming buhay?
pati ang Diyos ko’ypinagtatanungan
Iniisip ang nangyari,di man lang namalayan
Ang Ina kong Kalikasan kami pala’y dadaanan.

Kung nagpasintabi lang at kamiy nasabihan
Makikiusap ako ng may kagiliwan
“Alam ko po Kayo, ang may Karapatan”
“Kung pwede po sana’y ipagpaliban na lamang”.

Aking sinapit ay mapait na karanasan
dahil sa kalikasan kamiy nahirapan
Akoy natatakot, ano pang daraanan?
Ang aking dasal,huwag po kaming pabayaan.

Buwan ng Hunyo,Dos mil trese ang taon.
Namuhay kami , apat na klima ng panahon
Dapat , tag-araw ang pagkakataon
Ngunit ang istorya’y di nagkaganon.

Gabi nuo’y maliwanag at walang tigil ang ulan
parang may musiko sa aming bubungan.
tunog nito’y walang humpay ang bagsakan

Ang tanong nami’y kailan ang hangganan?

Nangang umaga’y nasa tarangkahan
nakita koy konseho ng aming bayan
Kami daw ay humayo at mabilis na lumisan
Dahil ang baha ay, sintaas na ng sasakyan.

Ako naman ngayo’y biglang nagulantang
Dagondong sa pusoy ,halatang kinabahan
tumingin sa bintana upang masaksihan
SIngasing ang agos at di mapigilan.

Aking mga anak at asawa’y binalingan
“Kunin,ang mga nararapat lamang”
Ang aking mga anak biglang nagiyakan
Ramdam ko ang takot na di inaasahan.

ITUTULOY….

[1]



Article printed from pinoytimes.ca: http://pinoytimes.ca

URL to article: http://pinoytimes.ca/2013/08/uncategorized/dagok-ng-buhay/

URLs in this post:

[1] Image: http://pinoytimes.ca/wp-content/uploads/2013/10/RETHS-pic-piocc.jpg

Copyright © 2009 pinoytimes.ca. All rights reserved.