- pinoytimes.ca - http://pinoytimes.ca -

Buhay dito sa Kanada

Posted By nenette On February 24, 2014 @ 9:36 am In Pinoy Spirit | No Comments

[1]

by Dingdong Amandy

Bakit kaya iniisip natin , kay sarap mag-ibang bansa
Tila bagay ang pera kay daling kunin sa bulsa
Laging iniisip nating pilipino, mas malaki ang kita.
Pero ang di nyo alam, kay hirap kitain ang pera.

Itong aking kwento, ay hango sa aking karanasan
Dati kong trabaho, papetiks-petiks lamang.
Pero di naman parati, pati utak ay pagod din minsan.
Ayun, laking pagbabago ngayun ang aking nararanasan.

Ngayun ko napagtanto, ang takbo ng buhay dito
Parati mabilis ang kilos ng mga tao.
Minsan may bumabati, minsan may mga suplado.
Di mo malaman, kung sino taong totoo.

Tila baga’y ang aking katawan ay naninibago.
Biruin mo otso oras kang laging nakatayo.
Ngayun ko naaalala muli ang aking dating trabaho.
Otso oras din, pero laging nakaupo

Kaya aking kabayan, lagi mo isipin ang kinabukasan.
Kung ikaw ay mananatili o aalis sa bansang sinilangan.
Tanging aking payo, magisip ka ng ilang beses diyan.
At ihanda ang sarili, sa pagbabagong mararanasan.

Pero ako ay naniniwala ito ay pagsubok lamang
Kaunting tyaga at kaunti tiis ang aming madadanasan
Lagi ko iniisip ang benipisyong kakaiba dito sa baong bayan.
Kung saan mga anak ko ang may masarap na kinabukasan.

Aking ng tatapusin, ang kwento kong patula
Kung gusto nyo magkomento , gawin din ninyong patula.
Aking pa ring mahal ang ating sariling wika
Kasi nagdudugo ang ilong ko sa salitang banyaga


Article printed from pinoytimes.ca: http://pinoytimes.ca

URL to article: http://pinoytimes.ca/2014/02/pinoy-spirit/buhay-dito-sa-kanada/

URLs in this post:

[1] Image: http://pinoytimes.ca/wp-content/uploads/2014/02/amandy.jpg

Copyright © 2009 pinoytimes.ca. All rights reserved.