Publisher's Note

  • Publisher’s Note

    Dear Kababayans, I hope your February has been a great month! Now that we  are in the month of March and that days are getting longer along with the time change, I hope you guys take the time to enjoy the season! Warmer temperatures are right ahead and we are all thankful for it! Last month David [...]

    Read full post »


Visitors to Pinoytimes



Page added on February 27, 2020

Email this to a friendEmail This Post Email This Post                      Printable versionPrint This Post Print This Post

Dear Lola Concha

Dear Lola Concha thumbnail

Ano na ba ang nangyayari sa mundo natin?  Una, ang pagputok ng bulkang TAAL sa Batangas.  Naalala ko pa na nagpunta kami ng Nasugbu isang araw bago pumutok ang bulkan.  Inaya pa ako ng isang kaibigan kong maki-piyesta sa Lemery dahil taga-doon sila at don nakatira ang nanay nya isang lingo bago nangyari ang pagputok ng bulkan.  Ni wala sa isip ko na may nagbabadya na palang pagputok ng bulkan na Abril 2019 eh nakitaan na pala ng senyales ng mga nagmamatyag sa isang ahensya ng pamahalaan at nagbigy na pala ito ng babala sa bayan ng Batangas.  Kaya naman ng pumutok ang bulkan, ang mga nakatira sa paanan ng isla ay kinailangang lumikas para makalayo sa nag-aapoy na bulkan.  Madaming tao ang nasalanta sa kalamidad na ito.  Lahat-lahat ay nagtulung-tulong para ma-ilikas ang mga nasalanta sa iba’t ibang bayan ng Batangas. Pati ang Kapamilya Network ay gumawa ng malaking bahagi ng pagtulong sa mga nasalanta, kapit-bisig ang mga Pilipino pagdating sa ganitong kalamidad.  Ang isang kababayan na nasa Calgary ay gumawa ng LECHE FLAN DRIVE, ang mag-asawang Ricky at Crystal Asuncion na mga tubong Nasugbu ang una naming nakitang kumilos sa sariling kagustuhan na makatulong sa kanila mga kababayan.  At marami ng nagsunuran na nag fund drive upang makatulong sa mga Batangenyo.  Kahanga-hanga din ang isang ahensya ng mga volunteers na nilikas ang mga hayop na naiwan sa isla.  Ang ibang mamayan ay bumabalik sa isla ng madaling araw upang makuha lang ang kanilang naiwang mga alagang hayop. Nakita ko sa news na yung isang nagligtas ng seven months old na kabayo ay napilitang ibenta ang kabayo para lang may pambili sila ng mga pangangailangan nila ng kanyang pamilya.  Minsan sa buhay may mga bagay na dapat nating gawin para sa kapakanan ng mga mahal natin.  Kahit mahal na mahal nya ang kanyang alagang kabayo, naipangako nya ito sa tumulong sa kanya na pag nakuha nila ito ay mabibili na nya ang kabayo at sa murang halaga pa. Malaking pasasalamat sa lahat ng sangay ng gobyerno na nagtulung-tulung para mapabilis ang paglikas ng mga Batangeunyo at sa mga iba’t ibang ahensya pati na rin sa mga artista katulad na lamang nila Angel Locsin, Mateo Gudicelli, Piolo Pascual, Judy Ann Santos at sa Kapamilya Network na handang tumulong sa ganitong panahon ng kalamidad.  Salamat din ng marami sa Barrio Fiesta sa Calgary na tumulong mag fund rive ng GOTO ME para sa tulong sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal.
Matapos ang kalamidad sa Batangas, nagpanic na naman ang mga mamamayan dahil sa pagkalat ng Coronavirus na nagmula sa bansang China.  Nag-ugat ito sa Wuhan, China sa Huanan Seafood Market.  Lahat ngayon ay naka-quarantine sa WUHAN at kelan lang ay may sinundo na 30 overseas filipino workers sa WUHAN para iuwi sa Pilipinas at naka-quarantine sila ngayon sa Clark City sa Pampanga.  Lahat ay binigyan ng warning na mag-ingat at ugaliing maghugas ng kamay.  Ito daw ay malaking bagay para maiwasan ang pagkaroon ng mikrobyo.  Marami ang naapektuhan sa NCOV epidemic, hindi na tumatanggap ang ibang bansa ng mga pabalik na filipino katulad sa Canada kung ang stopover mo ay isa sa mga lugar sa China.  Karamihan ng mga flights ay cancelled at ire-refund na lang ang binayad mo.  Maraming hindi natutuwa sa mga ganitong pangyayari pero ano pa ang magagawa natin kundi ang sumunod sa mga patakaran na ipinalabas ng World Health Organization hinggil sa NCOV virus.
Samantala, noong ako’y bata pa, mahilig na akong manood ng telebisyon.  Sa katunayan, ang ABS-CBN noon ay nasa Roxas Boulevard at natatandaan kong ipinasali ako ng tatay ko sa isang programang pambata na PEPE PIMENTEL SHOW.  Kailangan lang na mahusay kang magpakilala sa iyong sarili at may karapatan kang  pag ikaw ang napili, ay may mapapanalunan kang premyo.  Hanggang sa lumaki ako ay ABS-CBN ang palagi kong sinusubaybayang mga programa.  Di nagtagal nalipat ang studio nila sa Quezon City at isinama naman ako ng nanay ko sa isang programa kung saan sya naman ay contestant sa KUWARTA O KAHON na program din ni Pepe Pimentel.  Malaking bahagi ng buhay ko ang ABS-CBN dahil ito ay nagbibigay ng libangan sa mga tao sa pang-araw-araw na buhay.  Pero ano na nga ba ang tunay na dahilan at gustong ipawalang bisa ng solicitor general ang franchise ng ABS-CBN?  Ano nga ba ang nilabag nitong batas?  At bakit ang Solicitor General ang nakikialam samantalang nasa ilalim ng Kongreso ang pagrerebisa sa mga Franchise renewal?  Bakit kailangang ipahinto ang ABS-CBN?  Sa dami ng mga napapasaya nilang manonood at sa tapat nilang serbisyo sa bayan eh nasisilipan pa rin ng butas ang kabutihan na hinahatid nila?  Pati ba naman ito ay pinupulitika?  Natatandaan ko noong nagka-martial law nung 1972, pinasara ang ABS-CBN at ng magbukas ito ay isa sa chrony ni Marcos ang nagpatakbo ng istasyon.  Pinakulong ang matandang Lopez ng 5 taon at ng mag-people’s power ay doon lang nabawi ng mga Lopez ang ABS-CBN.  Mauulit na naman ba ito ngayong panahon ni Duterte?  Sana naman ay patunayan ng gobyerno na may demokrasya sa Pilipinas.  Hwag pigilan ang freedom of the press and freedom of expression.  Yan ay mahalagang bahagi ng ating konstitusyon,  Ako po ay isa sa mga nakasubaybay sa mga magagandang programang inihahatid nila hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.  Nagbibigay sila ng saya sa mga nasa ibang bansa sa mga programang pinalalabas nila sa telebisyon.  Magkaron sana ng katarungan ang ABS-CBN para ipagpatuloy ang serbisyo nila sa bayan at sa mga filipino.
Hanggang sa muli, ito ang inyong Lola Concha!









RELATED STORIES

  • No Related Post


LATEST HEADLINES

COMMUNITY NEWS

Announcement from The Philippine Consulate General in Calgary thumbnail Announcement from The Philippine Consulate General in Calgary
Seafood City Supermarket Opens Branch in Calgary thumbnail Seafood City Supermarket Opens Branch in Calgary
Canmore Winter Carnival thumbnail Canmore Winter Carnival
ADVISORY from Consulate General of Republic of the Philippine Trade Office thumbnail ADVISORY from Consulate General of Republic of the Philippine Trade Office

PINOY STORIES

DOH calls for volunteers for COVID referral centers thumbnail DOH calls for volunteers for COVID referral centers

HAVE YOUR SAY

HAVE YOUR SAY Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

PROMOTIONAL BLOCK

PROMOTIONAL BLOCK Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

TRAVEL NEWS



PINOY TOONS


Tags