IT’S TIME FOR MANILA HOUR – An Interview
PT:How it all started?
Noli: It was a childhood dream. Bata pa lang ako ako ay fascinated na ako sa mga reporter na hinahabol ng interview ang mga malalaking tao partikular na ang mga pulitiko,
mga artista at atleta.
PT: We learned that you’re in public service for sixteen years in your entire career?
Noli: Tama, apat na taon sa Army Reserve, pitong taon sa Philippine National Police Special Action Force at limang taon naman as Special Constable sa Winnipeg, Manitoba.
At ngayon naman ay patuloy pa din bilang Security Officer sa isang departamento ng City of Calgary. With all this experience, nagsama-sama na para sa kung sakali as
full-time Announcer sa programa ko sa Manila Hour.
PT: Please tell us more about your on-line radio program.
Noli : Nagsimula akong mag-ere ng pinoy music noong mismong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan (June 12) at sinabayan ko na din ng ilang pag-babalita mula sa atin at lokal
na din dito sa Calgary at Alberta. Because of the issue with the bandwith which is not cheap, I only able to have a live program for two hours weeknights from 9:00 Pm to
11:00 Pm and
Saturday 10:00 Am to 2:00 Pm. Open line ito sa
403-690-2710 or to my e-mail
[email protected] para sa request o pagbati o maging public service
announcement. I have a good selections in my pinoy music library at kung mayroon kayong gustong marinig na wala ako I’ll try to buy it right away o kung gusto ninyong
akong bigyan ng kopya ng CD ninyo or MP3 para ma-share ninyo sa listeners natin. I also did some interviews for some people like Immigration Specialist, Realtor,
Mortgage Specialist and some Pinoy Enterpreneurs. There will be more of this kasi nga ang tema ng programa ay news, talk ang music. Confident ako lalo sa interviews
kasi nga seven years akong pulis and was assigned for two years as a Criminal Investigator.
PT: Kumusta naman ang reception ng community tungkol sa program?
Noli: Sa loob ng halos nagdaang dalawang buwan, nakuha ang suporta ng tatlong Pinoy Community Newspaper at binigyan din ako ng exposure ng isang kilalang
Filipino Restaurant tuwing Biyernes para sa aking live remote show. Iyung first anniversary ninyo dito sa Pinoy Times sa Bowness park na-cover ko din iyon sa live
remote show. May mga tumatawag na din at nag-e-email para sa request o pagbati ng happy listening.
PT: What is your vision for the program?
Noli; Pretty soon, we’ll be playing 24 hours of music and I am trying my best to move the program to be in a regular morning show like 7:00 Am to 10:00 Am weekdays. Our
community need something like this not only for entertainment but also to serve as a link for all of us Filipino here in Calgary. Masuwerte din lang ako kasi nga
everyday ang live show ko at immediately I could send any message to the public.
PT: Where did you get the idea of having this Filipino On-line Radio Program?
Noli: I just moved here in Calgary last summer of 2008 from Winnipeg where I hosted my own weekend Filipino Radio Show. Kaya pagdating ko dito at nadiskubreng may
tatlong oras lang tayong Filipino Radio Show at every Sunday lang, nag-plano agad ako na i-set-up ang project ko. Winnipeg is a different market kasi nga 80,000 na ang
doon. Dito sa Calgary my estimate is about 40,000 na kasama na ang mga contract workers, kaya naniniwala ako na may market para dito sa on-line program. As people
spending more and more time in the internet, on-line radio is the future. I also have the advantage to run the program anywhere I want like malls, car dealership,appliances
store, furniture shops, restaurant, hotel, name it because of my high-tech system.
PT; May gusto bang iparating sa mga mambabasa?
Noli: Sa mga napakinig na po ng programa, maraming maraming salamat po at sa mga hindi pa, nanawagan po ako sa lahat sa inyo na suportahan kami sa aming
nasimulan at gawin ang MANILA HOUR na siyang maging inyong libangan bawat gabi at mag-ugnay sa inyo sa balita sa Pilipinas at maging lokal man. Makaka-asa kayo
na pag-sisikapin ko pang pag-igihin ang bawat gabi ng programa at kung may nadinig man kayong malaki man o maliit na pagkakamali, palagi lang pong pakatandaan na
ginagawa ko po ang lahat ng makakakaya ko upang hindi masayang ang inyong oras sa pakikinig.
PT; Paano mo nga pala sinusuportahan ang programa at alam naman natin na libre lang ang pakikinig?
Noli; Isa ito sa pangunahing hamon sa mga advertisers na nagtitiwala sa business nating mga pinoy. Hindi pa lahat ay kumbinsido na ang internet ay isa na sa nangungunang
paraan ng epektibong pag-anunsyo ng ano mang produkto o serbisyo. Pakatandaan na ang radyo maging terrestial man o on-line, isa itong mabisang paraan ng pag-papa-
rating ng mensahe sa publiko at maaaring baguhin ng mabilisan depende na din sa gusto mong iparating sa mga taga-pakinig.
PT: Any message for would be advertisers?
Noli: Nasa Digital Era na po tayo. Huwag po tayong matakot mag-eksperimento. Gamitin natin sa pag-anunsyo ang isang subok na paraan at ito po ay ang radyo na hahaluan naman natin ng makabagong sistema na ang tawag ay “ON-LINE RADIO PROGRAM” kagaya ng aming programa sa
www.manilahour.com. Maraming salamat po at mabuhay
ang sambayanang Pilipino.