- pinoytimes.ca - https://pinoytimes.ca -
” K A P A T I R A N “
Posted By aldrin On November 22, 2009 @ 6:16 am In Maikling Kwento | No Comments
MULA SA PANULAT NI LOLA PANCHANG
Pagkakaisa, pagpapahalaga, pagrespeto at pagmamahal,
Mga pangunahing diwa, ng katagang kapatiran;
Pagtulong sa pamilya, kapit-bahay pati na kaaway,
Damdaming nangingibabaw, kapag sa puso ay umiral.
Bayanihan sa baryo, meron pa rin mangilan-ngilan,
Dahil may nilalang pa rin, sa puso’y may kabutihan;
Nakatutuwang karanasan, pagmasdan paminsan-minsan,
Mga taong maralita, ngunit meron pa ring dangal.
Sa abalang siyudad, madalang ng maranasan,
Bunga ng ibang lahi, halu-halong mamamayan;
Pilit nais makamit, inaasahang tagumpay,
Sa magulong Maynila, tila bawat isa’y walang paki alam.
Subali’t ayon, sa aking karanasan,
Mga Pinoy pag nalayo, sa bayang sinilangan;
Kapag nagkita-kita, nag-abot sa isang lugar,
Alin sa dalawa, mag-isnaban o mag-kwentuhan.
Tayong mga Pinoy, kahit paano’y matulungin,
Isang katangiang, maipagmamalaki natin;
Bihira sa mga banyaga, ang ganitong pangitain,
Salamat sa mga ninunong, dakila ang aral sa ‘tin.
Tanging payo ko lamang, sa inyo mga kapatid,
Hangga’t maaari’y, pagsumikapang ihatid;
Ipasa sa kabataan, gintong-aral wag pagkait,
Dahil tayo pag nagka-isa, lalandasin nati’y matuwid.
Article printed from pinoytimes.ca: https://pinoytimes.ca
URL to article: https://pinoytimes.ca/2009/11/short-stories/k-a-p-a-t-i-r-a-n/
Click here to print.
Copyright © 2009 pinoytimes.ca. All rights reserved.