Publisher's Note
It was 22 years ago when I arrived in Canada and chose Calgary, Alberta to be my home. Leaving my family and friends behind, it was a new adventure for me to be in a new country without knowing anyone. That was the time I looked for a Filipino community paper and never found any, [...]
Visitors to Pinoytimes
Page added on January 25, 2010
Ni Mylene A. Padua
“Given a doughnut, an optimist would look at dough while the pessimist would look at the hole.” Naalala kong ginamit `tong halimbawa ng prof ko nung tinuturo nya sa amin sa Psychology ang iba`t ibang ugali ng tao. Kahit identical twins, magkaiba pa rin sa kanilang opinyon at saloobin. Ibig lang sabihin, may pagkakaiba-iba talaga ang mga tao sa mundo, may iba`t iba tayong perspektibo.
Habang sakay ako ng c-train, narinig kong nag-uusap ang dalawang Kabayan, naiinis na sinabi ng isa na napakaraming trabaho raw ang iniiwan sa kanya ng amo nya. Habang ang kausap naman ay naglitanya tungkol sa pagkabawas ng oras nya sa trabaho. Naisip ko lang, naisip kaya nilang maswerte pa rin sila at sa kabilang ng financial crisis ng Canada ay may trabaho pa sila at kumikita pa rin.
Madalas, ang ikagaganda ng araw mo ay nasa iniisip mo rin. Maaaring mainis ka sa snow o matuwa sa kinang na naidudulot nito sa paligid. Maaari ring mabugnot ka sa paghihintay ng bus o kaya`y magpasalamat dahil di mo na kakailanganing maglakad nang malayo. May naaaburido kapag nanghihingi ang pamilya ng padala sa Pinas at may natutuwa naman dahil ibig lang sabihin ay may pamilya silang humihingi. Sa iba, ang panahon ng taglamig ay parusa at paghihirap habang sa iba nama`y isa itong kapayapaan.`Maaaring may nagrereklamo sa mahinang heater at may nagpapasalamat dahil di sila naninigas sa labas sa lamig. Mayroon ding nasusuka na sa pagtira sa apartment at mayroon din namang maligaya sa kanyang pagiging bed spacer.
Sa loob naman ng bahay, pwede kang mataranta sa dami ng uurungang pinggan pagkatapos ng handaan o matuwa dahil may pera kang paghanda at kumakain ka araw-araw. Pwede ka ring magreklamo sa balde-baldeng labahan o magalak dahil marami kang damit na pamalitan. Maaari ring kainisan mo ang paglilinis ng bahay o ikatuwa mo ito dahil kahit papaano`y may panangga ka sa lamig at init. Maraming naaaburido sa dami ng gawain sa eskwela at marami ring natutuwa dahil sila`y nakakapag-aral.
Isipin mo na lang kung wala kang uurungang pinggan, ibig lang sabihin, wala kang makain. Kung wala ka namang lalabhan, ibig sabihin wala kang damit. Kung wala kang lilinising bahay ibig sabihin sa kalye ka nakatira at kung wala kang ginagawa sa eskwela ibig sabihin di ka nag-aaral.
Makikita lang ang tunay na kaligayahan sa mga taong may pusong mapagpasalamat sa anumang bagay na mayron sya, gaano man ito kaliit o kamura, kaordinaryo o kasimple. Kaya naman ngayong bagong taon, sisikapin kong laging magpasalamat sa mga bagay na mayroon ako at hindi mag-imbot sa mga bagay na wala ako. Enjoy life, ika nga.
RELATED STORIES
LATEST HEADLINES
COMMUNITY NEWS
A new way forward for some immigration application processing timesPINOY STORIES
Duterte signs National ID System ActPINOY SPIRIT
HAVE YOUR SAY
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.PROMOTIONAL BLOCK
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.TRAVEL NEWS
PINOY TOONS
Tags
Archives