Publisher's Note

  • Publisher’s Note

    It was 22 years ago when I arrived in Canada and chose Calgary, Alberta to be my home.  Leaving my family and friends behind, it was a new adventure for me to be in a new country without knowing anyone.  That was the time I looked for a Filipino community paper and never found any, [...]

    Read full post »


Visitors to Pinoytimes

Start of StatCounter Code End of StatCounter Code





Page added on February 18, 2010

Email this to a friendEmail This Post Email This Post                      Printable versionPrint This Post Print This Post

UNANG HAKBANG

ni Roger Encarnacion


Nangangarap na naman ako nang gising. Katatapos ko pa lamang kasing basahin ang mga sanaysay nina Francisco Icasiano, Carlos P. Romulo, Jose Lansang, at Leon Ma. Guerrero. Sa mga ganitong pagkakataon nagigising ang aking damdamin sa pagsulat. Gumagaan ang aking pakiramdam at tila idinuduyan sa salamisim ang aking puso. Higit sa lahat, nag-uumalpas sa aking dibdib ang gadaigdig na pagnanasang matularan o mapantayan ang mga pambihirang obra-maestrang isinulat ng aking hinahangaang alagad ng Panitikan.

Pinagbuti ko ang aking pagkakaupo habang namimilaylay sa aking mga labi ang ngiti ng kasiyahan. Tinapunan ko pa muna ng tanaw ang makapal na salansan ng gagamitin kong mga papel na nakapatong sa ibabaw ng aking hapag-sulatan. At saka ako tumingala sa kisame at nagpikit ng mga mata. Hinagilap ko sa bawat sulok ng aking utak ang magagandang paksang nakatago roon, mga paksang may balangkas nga’y wala namang laman, mga pinagsanib-sanib na eksena ng pang-araw-araw na galaw ng buhay na walang kawawaan.

Nagsimula akong sumulat. Isa, dalawa, hanggang tatlong talata. Pagkatapos ay binasa ko ang mga iyon nang paulit-ulit. Tila pagkaing ninanamnam ko ang bawat salitang nakalimbag doon, nilalasahan para malaman ko kung tama na ang tamis at alat. At habang kinukuyumos ako ng pag-aalinlangan ay biglang naalaala ko ang magagandang hanay ng pangungusap at matatayog na diwa ng katatapos ko pa lamang basahing mga likhang isip nina Icasiano, Romulo, Lansang, at Guerrero. Napailing ako at nakaramdam ng pait. At sa pagsisiklab ng kalooban ko ay nalamukos ko ang papel na kinatititikan ng aking walang lasa at walang buhay na panimula. Ang gayong pagtatangka ay naulit nang naulit. Hanggang sa napuno ng nilamukos na papel ang aking basurahan. Hanggang sa namigat ang aking mga mata at ipinasya kong itigil na ang aking kahibangan. Sa dibdib ko, ang malupit na katotohanang hindi ako isinilang na isang manunulat ay mahapding nakalatay.

Ganito, humigit-kumulang, ang kasiphayuang nararanasan ng bagu-bago pa lamang nagtatangkang mangahas kumahig na tulad ko. Madaling masiraan ng loob. Madaling masaling ng pagkabigo. Palibhasa’y isang bagong-dugo na nagnanais makatakbo agad gayong hindi pa maalam humakbang. Isang mapangaraping disipulo ng panitik na gayong wala pang bagwis ay naglalayon na agad na maisingkaw sa mataas na bituing kinaroroonan ng mga batikan nang manunulat ang kanyang maingay na karitong uhaw sa patak ng langis.

“Masarap ang mangarap. May kaluwalhatian ang pagpapalagay na madali nating maaabot ang rurok ng langit ng kadakilaan ng iniidolo nating mga haligi ng Panitikan. Lalo na’t kung iisiping sila man marahil sa kanilang panahon ay natutong mangarap, nagpilit humakbang at napayukayok din sa simula, nagalusan ang damdamin, ngunit nagsakit na makatayong muli upang maisakatuparan ang mataos na hangaring marating ang dulo ng daigdig. At marahil, kasabay ng pagsuno ng sariling pagtitiwala sa kanilang angking kakayahan ay naghangad ring malipad pati na ang kalawakan ng langit.”

(Ang akdang ito ay unang nalathala sa Kabitenyo Magazine sa ilalim ng balatkayong-ngalan ng may-akda)

__________________________________________________









RELATED STORIES

  • No Related Post


LATEST HEADLINES

COMMUNITY NEWS

A new way forward for some immigration application processing times thumbnail A new way forward for some immigration application processing times
Calgary Stampede 2018 Poster thumbnail Calgary Stampede 2018 Poster
Alberta celebrates first Philippine Heritage Month thumbnail Alberta celebrates first Philippine Heritage Month
UPAAA Welcomes New Philippine Consul General thumbnail UPAAA Welcomes New Philippine Consul General

PINOY STORIES

Duterte signs National ID System Act thumbnail Duterte signs National ID System Act

HAVE YOUR SAY

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

PROMOTIONAL BLOCK

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

TRAVEL NEWS



PINOY TOONS


Tags