Publisher's Note
by CK May is the month of flowers not just in the Philippines but also here in Calgary. A lot of my neighbors have done their spring cleaning and unfortunately I cannot cope up with them. I remember that during this time of the year my husband, Hank gets busier day by day. He takes care [...]
Visitors to Pinoytimes
Page added on April 20, 2010
By: DIWATA NG LETHBDIGE
Hindi naman sa ako ay namumuna subali’t isa ako sa mga nakapila sa tinatawag nilang “outreach program” ng passport para sa mga Pilipino. Taon -taon ay ginaganap subali’t ngayon ko lang nakita ang ganitong kaguluhan. Tulad ng mga balita sa telebisyon,pahayagan, pati na rin ang mga pahayag sa radyo ng mga tagapakinig na sinasabing walang basurahan,walang sistema ang pagpila ng mga tao,walang makainan,walang public washroom,ito po lahat ay pawang totoo.
Hindi ko alam kung anong kababalaghan ang nangyayari sa loob ng opisina,pinaiiral nila ang bulok na sistema na ginagawa sa pilipinas. At may “sponsor” pa ang proyektong ito, nakapagtataka talaga. Ano ba yan mga kaibigan nasa Canada na tayo,baguhin na ang maling paraan ng pamamalakad pagdating sa pag-aayos ng mga papeles at dokumento. Lahat tayo ay pantay pantay,walang perpekto,walang sikat at walang magaling. Lahat ay may kanya kanyang karapatan at pubilehiyo sa buhay. Hindi porke’t kilala mo si ganito, tapos na ang pag-aasikaso sa dokumento mo, bato-bato sa langit, tamaan ay huwag magagalit.
Ayon sa ibang naayos ang mga papeles,may mga pagbabagong naganap sa bayarin at mga larawan.Nabalewala ang pagbibigay ng mga tiket sa tao dahil hindi naman ito nasunod. Sa madaling salita ang nasabing proyekto ay puro kapalpakan at kahihiyan na nalaman pa ng mga ibang lahi, dahil paulit-ulit na ipinapakita ito sa telebisyon. Ano na lang ang sasabihin nila sa ating mga Pilipino na tayo ay walang DISIPLINA at SISTEMA. Bigo akong umuwi at sana kung mangyayari ulit ito, ipakita natin ang mga PAGBABAGO para hindi tayo kahiya-hiya. Ito sana ay maging aral sa ating mga kababayan na nakasama sa outreach program. Ipakita natin na tayo ay disiplinado, may samahan at pagkakaisa sa ating mga gawain at proyekto.
RELATED STORIES
LATEST HEADLINES
COMMUNITY NEWS
WHAT IS THERE TO LOSE?PINOY STORIES
More Pinoys enjoys Kapamilya Shows via ABS-CBN TV PlusPINOY SPIRIT
HAVE YOUR SAY
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.PROMOTIONAL BLOCK
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.TRAVEL NEWS
PINOY TOONS
Tags
Archives