Publisher's Note
by CK May is the month of flowers not just in the Philippines but also here in Calgary. A lot of my neighbors have done their spring cleaning and unfortunately I cannot cope up with them. I remember that during this time of the year my husband, Hank gets busier day by day. He takes care [...]
Visitors to Pinoytimes
Page added on April 17, 2010
Ni Mylene A. Padua
Siguro`y sa mga makababasa nito, narinig nyo ng sinabi ng magulang nyo o ng kung sino mang nakatatanda ang pahayag na “tanging edukasyon lamang ang maipamamana namin sa inyo”. Sa Pilipinas, kahit nasa anumang antas ka ng buhay, pinahahalagahan talaga ang edukasyon. Gagawin ng mga magulang ang lahat mapagtapos lamang sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Sigurado akong sasang-ayon sa akin ang mga nanay at tatay na nandito sa Canada para magtrabaho.
Marami akong kakilalang umuwi ng Pinas nito lamang Marso para saksihan ang pagtatapos ng kanilang mga anak mapa-elementarya, hayskul o kolehiyo man iyon. Aba, wala nga namang papantay sa kaligayahang dulot ng pag-akyat sa entablado para samahang tumanggap ng diploma ang anak. Naalala ko pa ng mangiyak-ngiyak na umakyat ang mama ko sa entablado para sabitan ako ng medalya sa kolehiyo.
Mapalad ang mga anak at kapatid ng mga Kabayan kong nandito sa Canada dahil malaki ang tiyansang mabigyan sila ng magandang edukasyon. Bago ko isulat ang lathalaing ito, kapapanood ko lang sa internet ang balitang pag-aaklas ng mga estudyante sa UP (Unibersidad ng Pilipinas) at PUP (Polytechnic University of the Philippines) dahil sa nakatakdang pagtataas ng matrikula sa susunod na pasukan.
Hindi na bago ang mga eksenang naturan noon pa lamang nasa kolehiyo ako. Hindi ko maubos maisip na ilang taon na ang lumipas at pareho pa rin ang problemang kinakahatap ng edukasyon sa bansa na mas lalo pa yatang luamla sa paglipas ng panahon. Ilang estadistika ang magpapatunay dito. Ayon sa ulat ng United Nations nito lamang nakaraang taon, mahigit isang milyong bata mula 6-11 taong gulang ang hindi man lang nakatuntong ng eskwelahan noong 2007.
Sinasabi rin sa datos ng Department of Education, 58 lamang sa bawat 100 estudyante na pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong ng hayskul at 14 lamang sa mga ito ang nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datos na ito, di maitatago ang katotohanan na malaki ang problema natin sa edukasyon. Dahil na rin sa kahirapan, hindi natatamasa ng kabataang Pilipino ang karapatan nila sa edukasyon. Nakasaad mismo sa Konstitusyon, Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na “dapat pangalagaan ng Estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.” Dapat ay bigyan din ng pinakamataas na prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon.
Natuwa ako nang malaman kong ganun na lamang ang pagpapahalaga ng Canada sa edukasyon ng kanilang mga kabataan. Sa pamamagitan ng student loan na ibinibigay ng gobyerno, maraming kabataan dito ang nakapagtatapos hanggang sa kolehiyo. Kailan kaya mangyayari ito sa Pilipinas?
Ayon sa Kabataan Partylist sa Pilipinas, “Education is the foundation upon which we will build our country. It serves as the means to bring about the desired change in society, to develop a generation of virtuous individuals and thus contribute to the development of good human beings. How much we invest on the education of the youth today will determine the kind of nation we will become in the future”. Naisip mo na ba kung ano ang magiging lagay ng Pilipinas sa mga darating na panahon o tuluyan mo ng isinawang bahala ang mga usaping tulad nito?
Bakasyon na ng mga estudyante ngayon sa Pilipinas. Dalawang buwan pa, malalaman na muli kung ano na ang mangyayari sa nakabiting edukasyon ni Juan.
RELATED STORIES
LATEST HEADLINES
COMMUNITY NEWS
WHAT IS THERE TO LOSE?PINOY STORIES
More Pinoys enjoys Kapamilya Shows via ABS-CBN TV PlusPINOY SPIRIT
HAVE YOUR SAY
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.PROMOTIONAL BLOCK
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.TRAVEL NEWS
PINOY TOONS
Tags
Archives