Publisher's Note

  • Publisher’s Note

    HAPPY NEW YEAR!  HAPPY THREE KINGS! As we are now in 2019, new year, new beginnings, new challenges and  new opportunities.  Everyone is entitled to make their new year’s resolution for as long as they keep it in mind and make sure that they do it to the best of their ability.  When I was young [...]

    Read full post »


Visitors to Pinoytimes

Start of StatCounter Code End of StatCounter Code


Page added on May 19, 2010

Email this to a friendEmail This Post Email This Post                      Printable versionPrint This Post Print This Post

TANIM NA PAGMAMAHAL

Ay sigurado ako matutuwa na naman si nanay sa ibabalita ko. Sasabihin na naman niya na napawing lahat ang kanyang hirap
at pagod. Mapapaligaya ko na naman si nanay. Siya si Ana mae, anak sa pagkadalaga, mabait, masunurin, matalino, maganda at mahal na mahal niya ang kanyang nanay. Iniwan siya ng kanyang tunay na ina sa kaibigan upang sumama sa isang lalaki na mayaman at makapagbibigay sa kanya ng lahat ng luho sa buhay.

Nakaupo sa may puso si Grace at nakaharap sa maraming labahin ng tumatakbong palapit si Ana mae. Nanay may magandang balita ako sa inyo, pero hulaan mo muna. Sige na oh nanay hulaan mo na po. Habang patuloy na nagkukusot ng damit, ay ikaw talaga, sabihin mo na lang kase lagi mo na lang akong pinanghuhula eh di naman ako si madame Auring. Nanay naman sige na oh kase talaga lang na masayang masaya ako. O sige na nga, siguro ikaw na naman ang pipiliin na ilalaban ng school nyo bilang muse. Hayaan mo anak pipilitin ko na maibili ka ng magandang damit na isusuot mo. Ay mali po kayo nanay. Ako po ang valedictorian at muli aakyat na naman po kayo sa entablado. Alam mo nanay ipinagmamalaki kita dahil kahit mahirap tayo tapos wala na si tatay ay sinisikap mo na makapagaral ako sa magandang paaralan. At ang isa pang magandang balita scholar po ako kaya libri po ang matrikula ko sa high school. Maluha luha sabay yakap sa anak, naku anak wala talaga akong malagyan ng kaligayahan regalo ka talaga ng Dios sa akin. Natapos ang graduation at ganoon na lang ang kaligayahan ng mag ina. Bagamat scholar si Ana mae ay iniisip pa rin ni aling Grace ang iba pang mga magiging kailangan ni Ana mae ngayong mag hihigh school na siya.

Sa isang malayong lugar isang ina ang nangungulila. Kamusta na kaya sila. Maglalabintatlong taon na ang matuling dumaan. Ano na kaya ang katayuan nila, ano kaya ang hitsura niya at nakakapag aral kaya siya. Ako ito nasusunod ang lahat ng gustuhin sa buhay, nabibili ang lahat ng maibigan pero malungkot ang buhay ko dahil kahit kailan ay hindi na ako magkakaanak. Malungkot ka na naman, siguro iniisip mo na naman siya. Bakit kaya hindi mo subukan na puntahan sila tutal kahit paano may karapatan ka sa kanya. siguro sa ganong paraan ay makakabawi ka sa lahat ng pagkukulang mo sa kanila, payo ng isang kaibigan. Baka kase hindi pumayag ang asawa ko at isa pa natatakot ako dahil baka hindi niya ako maunawaan at mapatawad.

Nanay alam nyo po ba kinausap ako nong may ari ng tindahan sa kanto habang bakasyon daw ay kukunin niya ako na makakatulong niya sa tindahan . Maganda di ba nanay dahil kahit paano makakatulong ako yong mga pambili ko ng gamit ay hindi ko na hihingin sa inyo. Ay huwag mo ng intindihin iyon, kase dapat magpahinga ka dahil sa pasukan kailangan mong magaral na mabuti para hindi mawala ang scholarship mo. Ay hindi po nanay basta magtatrabaho ako ngayong bakasyon para naman makatulong sa inyo at huwag po kayong magalala hindi mawawala ang scholarship ko dahil ikaw ang inspirasyon ko sa aking pagaaral. hindi na umimik si aling Grace at sa halip ay niyakap niya ng mahigpit na mahigpit ang anak.

Mayroon akong gustong sabihin sa iyo pero natatakot ako at nangangamba na baka hindi mo ako maunawaan pero sa palagay ko ay dapat mo ng malaman. Matagal na ito labingtatlong taon na ang nakakaraan pero takot akong aminin sa iyo. Labingtatlong taon na tayong kasal at hindi ko alam mayroon ka pa lang ipinaglilihim sa akin. Ano ba yon at hindi mo makuhang ipagtapat sa akin. May anak ako sa pagkadalaga ng magpakasal sa iyo. Natakot akong ipagtapat dahil baka hindi mo matanggap. Malaki na siya at dalagita na sa ngayon. Natigilan man ang asawa ay saglit lang. Niyakap niya ang asawa sabay sabing kaya ko siyang tanggapin nauunawaan kita at pinatatawad na rin sa paglilihim mo sa akin sa loob ng matagal na panahon. Hahanapin natin ang iyong anak aariin ko na tunay na anak at ibibigay natin ang lahat ng pagkukulang na hindi mo naibigay sa kanya sa loob ng mahabang panahon.  Ang pag ibig ay marunong magpatawad, at dahil sa pagmamahal ko sa iyo ay kaya kong ariin ang anak mo na tunay kong anak.

Ay naku ikaw ba talaga iyan Trina, ikaw nga, maganda ka pa rin, hindi ka pa rin nagbabago, kamusta ka na at nagyakap silang dalawa. Alam na ba ng asawa mo? Sinabi mo na ba sa kanya? Oo kumusta na siya malaki na at sigurado ako dalagita na siya.  Nanay may bisita po pala kayo, magandang hapon po.  Ay oo anak halika at ipakikilala kita sa kanila. Sandali lang po nanay maghahanda muna po ako ng maiinom. Huwag na anak huwag ka nang magabala katatapos lang namin. Bagamat nagulat si Ana mae ng tawagin siyang anak hindi niya ito binigyan ng pansin at siya ay lumapit sa kinatatayuaan ng kanyang nanay. Habang hinahaplos ang buhok ng anak, anak may ipagtatapat ako sa iyo, malaki ka na at matalino at alam ko na maiintindihan mo at mauunawaan ang lahat. Sa ipagtatapat ko sa iyo ay bibigyan kita ng karapatan na magdisisyon para sa sarili mo. Hindi ko sasaklawin ang ano mang magigiging disisyon mo. Sa lahat ng ipinagtapat ni aling Grace sa anak, nagulat man ito ay hindi kinakitaan ng galit, ito ay dahil siguro sa klase ng pagpapalaki at pagmamahal na ipinalasap niya sa anak. Sa halip ay pagdaramdam at pangunawa ang nakita sa maaliwalas na mukha ni Ana mae. Niyakap siya ng tunay na ina at tinanggap naman niya ito. Matapos niyang bumitaw sa pagkakayap sa ina ay ito ang mga binitiwan niyang salita. Marami po akong natutunan kay nanay, lahat ng bagay natutunan ko sa kanya, magmahal, magpatawad,makontento sa kung anong meron, maging maligaya at magimg masaya kahit salat sa materyal na bagay. pwede mo po akong mahalin, maaari mo po akong dalawin, pinatatawad  na po kita sa pagiwan mo sa akin, maaari mo rin po akong ariin na tunay na anak, nagpapasalamt po ako dahil binigyan nyo po ako ng pagkakataong mabuhay at isa pong malaking pagtanaw ng utang na loob iyon. Pero hindi po ako maaaring sumama sa inyo. Sagana po kayo sa lahat ng bagay, si nanay salat na salat sa lahat ng bagay pero sagana po kami sa pagaaruga at pagmamahalan. Ako po ang tanging kayamanan niya sa mundong ito. Ang mahalaga po pinatawad ko na kayo at magkameron kayo ng tunay na kapayapaan sa puso. Siguro po sa tamang panahon ay matututunan ko na rin kayong mahalin, at sa oras na iyon ako na po mismo ang magsasabi sa inyo na “Mahal na rin kita inay, at HAPPY MOTHER’s DAY PO.”

Dito po natin mapapatunayan na kahit hindi tayo ang nagluwal sa sang maliwanag kahit hindi tayo ang tunay na ina, pwede tayong maging ina sa tunay na kahulugan ng salitang ina, at iyon po ay kung paano tayo nagtanim ng pagmamahal sa batang ating inaring tunay na anak.

HAPPY HAPPY MOTHER’S PO SA LAHAT NG MGA INA. MABUHAY KAYO.









RELATED STORIES

  • No Related Post


LATEST HEADLINES

COMMUNITY NEWS

NOTICE TO MEDIA thumbnail NOTICE TO MEDIA
Message from the Mayor thumbnail Message from the Mayor
Message from the Premier of Alberta thumbnail Message from the Premier of Alberta
Message from the Prime Minister of Canada thumbnail Message from the Prime Minister of Canada

PINOY STORIES

Hacking a Pinoy Christmas abroad thumbnail Hacking a Pinoy Christmas abroad

HAVE YOUR SAY

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

PROMOTIONAL BLOCK

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

TRAVEL NEWS



PINOY TOONS


Tags