Publisher's Note
It was 22 years ago when I arrived in Canada and chose Calgary, Alberta to be my home. Leaving my family and friends behind, it was a new adventure for me to be in a new country without knowing anyone. That was the time I looked for a Filipino community paper and never found any, [...]
Visitors to Pinoytimes
Page added on June 22, 2010
ni Roger Encarnacion
Kalayaan. Ano ka ba sa akin?
Simula nang sumanib ka sa aking pagkatao ay nagmistula akong isang ibong natutong sumisid at umigpaw sa kalawakan ng bughaw na langit.
Nakalalasing ang kapangyarihang ipinagkaloob mo sa akin. Naganyak akong manungkit ng mga bituin sa mga sandaling kaulayaw kita. Binigyan mo ako ng lakas ng loob na tuklasin ang aking sarili at sundin ang tibok ng aking puso. Katulad ng isang bagong tao na nahibang sa kalayaang dulot ng pagkakaroon ng unang sasakyan, ay pumaimbulog ako sa karurukan ng aking pangarap.
Halos abot-kamay ko na ang mga bituin. Mula sa dampang kinakitaan ko ng unang liwanag, mula sa silong ng langit na nakarinig ng aking mapagtiwalang mga halakhak at sa ilalim ng punong manggang naging saksi ng aking unang pag-ibig ay nakita kitang nag-aanyaya, nanggaganyak. Sa wari ko, ang malawak na karagatang nakapagitan sa kinagisnan kong daigdig at sa mapanuksong lupain ng ginto at pilak ay sasandipa lamang.
Ngunit nagtataka ako. Sa kabila ng pagtatagumpay at pagtatamasang nararanasan ko ngayon ay may mga bagay pa ring hinahanap ang aking puso na hindi ko mahagilap. May mga katanungang laging umuukilkil sa aking diwa na hindi ko masumpungan ng kasagutan. Alam ko, hungkag ang taginting ng bawat halakhak na lumalabas sa aking mga labi.
Ikaw na kapi-kapiling ko sa paghahanap ng kasaganaang wala sa akin ay naging lasong kumitil ng aking pagka-Pilipino. Sa loob lamang ng maikling panahong inilagi ko sa lupain ng ginto at pilak ay nalimot kong ako’y isang lahing may sariling kalinangan at kakanyahan. May sariling wikang pamana ng aking mga ninuno. May makasaysayang kahapong dinilig ng dugo ng mga bayani. Bakit hindi mo ako masdan ngayon? Ako’y hindi na Pilipino sa aking sarili at sa iyo, isang kulay-kayumangging hunyango na nagkakanlong sa banyagang balatkayo – sa pagsasalita, sa paniniwala, sa pananamit, sa asal at pag-uugali.
Kung ikaw nga’y kalayaang sinamba ko at minahal may isang daan at labing-dalawang taon na ang nakararaan, at nagtiwala sa aking ikaw lamang ang idadambana ko sa aking puso sa kabila ng mga tukso at pagsubok, paano mo tatanggapin ang katotohanang ako’y lubos nang napaangkin sa dayuhang kinamuhian mo noong araw, at napaalipin sa taginting ng tatlumpung peseta? Masdan mo ang mga anak ko ngayon, ang tangi mong pag-asang magpapatuloy ng salin-lahing Pilipino sa maraming daan-taon. Nakikilala mo pa ba sila?
Durog na ang aking puso; lugmok na ang aking kaluluwa. Ilipad mo akong muli, Kalayaan.
RELATED STORIES
LATEST HEADLINES
COMMUNITY NEWS
A new way forward for some immigration application processing timesPINOY STORIES
Duterte signs National ID System ActPINOY SPIRIT
HAVE YOUR SAY
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.PROMOTIONAL BLOCK
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.TRAVEL NEWS
PINOY TOONS
Tags
Archives