Publisher's Note

  • Publisher’s Note

    It was 22 years ago when I arrived in Canada and chose Calgary, Alberta to be my home.  Leaving my family and friends behind, it was a new adventure for me to be in a new country without knowing anyone.  That was the time I looked for a Filipino community paper and never found any, [...]

    Read full post »


Visitors to Pinoytimes

Start of StatCounter Code End of StatCounter Code





Page added on September 21, 2010

Email this to a friendEmail This Post Email This Post                      Printable versionPrint This Post Print This Post

Paglalakbay

by Melvin Laureano on Sunday, October 25, 2009 at 8:40am

Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay.

May mga nakatagong sorpresa sa bawat araw na daraanan,

mga di inaasahang pangyayari, masaya, malungkot, mahirap at masakit.

Ito ang mga bagay na kailangang suungin ng isang manlalakbay

upang malaman niya kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay,

mga pagsubok na siyang magpapatatag sa kanya

o di kaya nama’y magpapabagsak

kapag ito ay hindi niya napagtagumpayan.

Sa dalampu’t pitong taon ng aking paglalakbay

ay unti-unti ko ng nalalaman ang tunay na kahulugan ng aking buhay,

ang buhayin, mabuhay at magbigay ng buhay.

Marahil ito ang misyon na dapat kong gawin

para maging ganap na makahulugan itong aking paglalakbay.

Sa bawat paghakbang ay kailangang maging maingat,

maging matalino at maging matibay sapagkat

sa bawat maling hakbang ay may nakalaang parusa

at kailanma’y hindi na maaaring ulitin ang hakbang na yaon

dahil ang aking mga paa’y kasabay ng mga kamay ng orasan sa paghakbang.

Sa daang maliwanag ay sinasalubong ako ng mga ngiting matamis,

mga halakhak na hanggang ngayo’y tila umaalingawngaw pa sa aking pandinig,

mga makukulay na tagpo na tila naiguhit na sa aking isipan

at mga salitang tila nagpapagaan ng mabigat na pakiramdam.

Sa paglakad ko’y sinasalubong ako ng mahalimuyak na simoy ng hanging

humahalik sa aking mga pisngi.

Ito ang mga panahong puno ng pag-ibig….

ang panahon ng aking kamusmusan.

Habang ako’y patuloy sa paghakbang

ay tila nagiging makitid ang daan na aking nilalakaran.

Ang dating maliwanag na paligid

tila ngayo’y unti-unting binabalot ng karimlan

na tulad ng pagtatakip-silim.

Ang mahalimuyak na simoy ng hangin ay nagiging malamig

at kapag ito’y dumadampi sa aking mga pisngi

ay nagdudulot ng kaunting hapdi.

Ang aking kalooban ay tila nadaganan

ng lupang rumagasa galing sa mataas na bundok

dahil hindi ko namalayan ang pagpatak ng ulan sa tuktok nito.

At ngayo’y paparating na sa akin ang unos.

Nasa harap ko na ang maiitim na ulap,

nakakasilaw na kidlat at nakakabinging kulog.

Sa lakas ng pagbuhos ng ulan ay tila halos malunod ang aking mundo.

Bumaha ng mga pagsubok.

Pero sa halip na ako’y manghina ay lalo akong naging matibay

sapagkat ako’y kinupkop ng Maykapal.

Yaon ang mga daan sa buhay.

Minsan maliwang, madilim, maluwang at makipot.

Dumating man ang araw na kailangan kong

bagtasing muli ang alinman sa mga landas na iyon,

baon ko na sa puso at isip ang tibay at katatagan,

karunungan at kahandaan sa panahon ng unos.









RELATED STORIES

  • No Related Post


LATEST HEADLINES

COMMUNITY NEWS

A new way forward for some immigration application processing times thumbnail A new way forward for some immigration application processing times
Calgary Stampede 2018 Poster thumbnail Calgary Stampede 2018 Poster
Alberta celebrates first Philippine Heritage Month thumbnail Alberta celebrates first Philippine Heritage Month
UPAAA Welcomes New Philippine Consul General thumbnail UPAAA Welcomes New Philippine Consul General

PINOY STORIES

Duterte signs National ID System Act thumbnail Duterte signs National ID System Act

HAVE YOUR SAY

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

PROMOTIONAL BLOCK

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

TRAVEL NEWS



PINOY TOONS


Tags