Publisher's Note
It was 22 years ago when I arrived in Canada and chose Calgary, Alberta to be my home. Leaving my family and friends behind, it was a new adventure for me to be in a new country without knowing anyone. That was the time I looked for a Filipino community paper and never found any, [...]
Visitors to Pinoytimes
Page added on November 22, 2010
Sa likod ng bawat balita, may mga kuwentong hindi pa nakikita ng mamamayan, mga piraso ng impormasyon na bubuo sa katotohanan.
Abangan sa The Filipino Channel (TFC) ang pagbubukas ng pinto patungo sa mundo ng mga matatapang at masusugid na tagapag-ulat ng ABS-CBN sa ‘Patrol ng Pilipino,’ kung saan masisilayan ang buong istorya sa mga balitang makabuluhan para sa bawat Pilipino.
Ang “Patrol ng Pilipino” (PNP) ay isang weekly 45-minute news documentary program na magbibigay ng mas malalim na pag-uulat sa mga balitang inilahad sa “Umagang Kay Ganda,” “TV Patrol,” at “Bandila.”
Babalikan ng may dalawa o tatlong ABS-CBN reporter ang mga tampok na ulat at huhukayin ang mga kuha at panayam na hindi pa naeere, mga behind-the-scene clip ng reporter sa kaniyang pangangalap ng impormasyon at mga bagong anggulo sa isyu.
Sa pilot episode ng “Patrol Ng Pilipino,” ibabahagi ni Jorge Cariño ang mga eksena sa kaniyang pagmamatyag sa hagupit ni Bagyong Juan sa Cagayan. Silipin kung paano sinalanta ang probinsya at kung paano sinubukang isalba ng mga residente at awtoridad ang kanilang buhay at kabuhayan.
Si Jeff Canoy naman ay muling bubuksan ang kaniyang ulat sa mga batang minero sa Davao Oriental. Sundan ang kaniyang pag-iimbestiga upang maipakita ang karimarimarim na kalagayan ng mga kabataan at ng kanilang pamilya.
Dahil karapatan mong malaman ang buong katotohanan, ipapakita ng “Patrol ng Pilipino” ang bawat anggulo ng isyu, bibigyan ng mukha ng mga datos, at ilalantad ang damdamin sa likod ng mga balita. Panoorin ang “Patrol ng Pilipino” sa TFC.
RELATED STORIES
LATEST HEADLINES
COMMUNITY NEWS
A new way forward for some immigration application processing timesPINOY STORIES
Duterte signs National ID System ActPINOY SPIRIT
HAVE YOUR SAY
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.PROMOTIONAL BLOCK
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.TRAVEL NEWS
PINOY TOONS
Tags
Archives