Publisher's Note

  • Publisher’s Note

    by CK May is the month of flowers not just in the Philippines but also here in Calgary.  A lot of my neighbors have done their spring cleaning and unfortunately I cannot cope up with them.  I remember that during this time of the year my husband, Hank gets busier day by day.  He takes care [...]

    Read full post »


Visitors to Pinoytimes

Start of StatCounter Code End of StatCounter Code



Page added on November 19, 2010

Email this to a friendEmail This Post Email This Post                      Printable versionPrint This Post Print This Post

Tatagal kaba?

Hanggang Kelan?
Hanggang saan ba ang kaya mong tiisin?
Hanggang kelan ka magiging ganito?

Tatagal kaba?
by Glynn L. Galla

Marahil, marami sa atin ang nag iisip kung tayo ba ay nasa tamang landas na ating tinatahak ngayon.

Ilan sa atin sumoko na at ang iba’y pilit parin nakikibaka sa pang araw-araw na gulong ng buhay.
Bilang isang anak, kapatid, asawa, ama, o ina. Lahat tayo ay iisa ang hangarin sa buhay, ang mapagaan at mairaos ang pamumuhay ng ating mga mahal natin sa buhay. Minsan di natin alintana, umaraw man, umulan, mag niyebe o ang sobrang lamig na kapaligiran, patuloy parin tayo sa pag-babanat ng boto para may maipadala sa kanila.

May mga pagkakataong pang nalilipasan ng gutom, o di kaya’y ang hindi patas na pag-tingin sa ating kulay, subalit nandito parin tayo, pinapasaya ang sarili, kahit may kurot sa dibdib. Sinusubukan parin nating ngumiti at sabihing, “KAYA KO TO”.

Mahirap mag trabaho sa ibang bansa, nandyan ang ilang pasko , kaarawan at iba pa, ang ating niliban na kasama sana natin sina Nanay, Tatay, Kuya, Ate at si Mahal, pero pinili parin natin na huwag umuwi sa kadahilanang sa kanila din itong mga ginagawa natin. Naiisip mo nalang na, ano kaya kung andun ako? Siguro Masaya kasi kasama ko sila. O di kaya’y sinasabi mo nalang sa sarili mo na sana kasama mo sila habang pinapanood ang unang bagsak ng niyebe sa labas ng bahay. Siguro napakasaya ng mga sandaling iyon, dahil kasama mo sila.

At bigla ka nalang magigising sa katotohanang milya- milya parin ang inyong pagitan. Kahit hindi mo man aminin sa sarili na malungkot ka, hindi nagsisinungaling ang mga matang nangungulila sa kanila. Kahit hindi mo sasabihin, sa isip at sa diwa mo, may gumugulo paring tanong na, naalala kay nila ako, kahit sa mga pagkakataong hindi ako nagpapadala? Dito na bumubuhos ang kalungkotan. Nangungulila tayo sa mga katagang “kumusta kana?” “ok ka lang ba dyan?” “miss na kita, alagaan mo sarili mo.” Di mo nalang namamalayan na pumapatak nalang ang mga luha mong naghahanap ng kasagutan. Labis labis ang pagapaphalaga natin sa kanila, sila ang dahilan kaya tayo ay nakipagsapalaran sa ibang bansa. Minsan para mapawi lang ang lungkot sa ating mukha isang tawag lang sa pilipinas ay tila naglahong para bula ang ating lungkot na nararamdaman.

Ngunit ang tanong hanggang saan ba tayo dadalhin ng ating mga paa? Kailangan natin ng kalinga at pang unawa sa ating sitwayon. Hindi biro ang mapalayo sa mahal natin sa buhay, kung tutuusin maraming mga pagsubok na dumarating, ang pangungulila sa kanila, ang estado natin dito bilang pansamantalang mangagawa, ang tukso na pwede ika sira ng ating pamilya, ang malamig na panahon dito sa Canada, at mga iba pang bagay na tila sumusubok sa ating katatagan bilang tao.

Sa mga panahong ganito wala tayong ibang malalapitan kung di ang Panginoon, ipabuya natin sa kanya ng buong buo ang ating sarili. Alam natin na ginawa at gagawin natin ang lahat para sa ating pamilya, pero wag parin nating kalimutan na ang lahat ng ito ay pawang pagsubok lamang, at kung hanggang saan ang pananampalataya mo sa Kanya. Di natin kakayanin to ng mag-isa kailangan natin SIYA.

Hanggan kelan? Hanggang ngayon… Andyan lang siya, Inaantay ka nya..



One Comment on "Tatagal kaba?"

  1. stephen christian quilacio on Mon, 3rd Jan 2011 2:17 pm 

    wow , keep that up glynn! more power







RELATED STORIES

  • No Related Post


LATEST HEADLINES

COMMUNITY NEWS

WHAT IS THERE TO LOSE? thumbnail WHAT IS THERE TO LOSE?
Changes to Regulations Will See Age Increased for Dependent Child thumbnail Changes to Regulations Will See Age Increased for Dependent Child
ABS-CBN Files $5M Lawsuit Against Casinillo and Gonzalez For Selling Pirated Set-Top Boxes in Edmonton, Canada thumbnail ABS-CBN Files $5M Lawsuit Against Casinillo and Gonzalez For Selling Pirated Set-Top Boxes in Edmonton, Canada
Forever in our Hearts thumbnail Forever in our Hearts

PINOY STORIES

More Pinoys enjoys Kapamilya Shows via ABS-CBN TV Plus thumbnail More Pinoys enjoys Kapamilya Shows via ABS-CBN TV Plus

HAVE YOUR SAY

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

PROMOTIONAL BLOCK

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

TRAVEL NEWS



PINOY TOONS


Tags