Publisher's Note

  • Publisher’s Note

    It was 22 years ago when I arrived in Canada and chose Calgary, Alberta to be my home.  Leaving my family and friends behind, it was a new adventure for me to be in a new country without knowing anyone.  That was the time I looked for a Filipino community paper and never found any, [...]

    Read full post »


Visitors to Pinoytimes

Start of StatCounter Code End of StatCounter Code





Page added on January 19, 2011

Email this to a friendEmail This Post Email This Post                      Printable versionPrint This Post Print This Post

Kuwentong Kutsero – MONICA ALMA DE DIOS


ni

Rogelio Quinto

Monica Alma de Dios. Seksing pangalan. Parang pangalan ng artista sa pinilakang tabing. Iyon ang pangalang ginagamit niya sa kanyang mga artikulong Ingles na lumalabas sa isang pahayagang pang-komunidad sa bayan ng Rosario, lalawigan ng Cavite. Totoo kayang pangalan niya iyon o isang balatkayong-ngalan lamang? Sa anu’t ano man, nakasiksik na sa isip ko ang pangalang iyon simula nang mabasa ko ang artikulo niya na tumatalakay sa isang seryosong paksang pampamilya. Bilang alagad ng Panitik, interesado ako sa pagbasa ng kahit anong lathalain, Ingles man o Tagalog, lalo na’t isinulat ito ng isang kalahing Pilipino.

Ang isang makatawag-pansin sa mga akda ni Monica ay ang kanyang madamdaming paglalarawan ng maseselan na karanasan ng buhay tulad ng pakikipag-kapwa, pakikisama, pakikipag-ugnayan ng babae sa lalaki, at relasyong nagaganap sa sirkulo ng pamilya. At ang tono ng kanyang pananalita ay lagi nang nagpaparamdam na tunay siyang awtoridad o dalubhasa sa mga bagay na ito, katulad ng ipinakikitang ganap na pagtitiwala sa sarili ng isang titser sa harap ng kanyang mga estudyante.

Okey na sana si Monica dahil laging may magandang aral ang kanyang pinapaksa, kaya lamang ay mina-‘murder’ niya nang madalas ang gramatikang Ingles sa kaniyang pagsasalaysay. Bilang kadugo sa Panitik, nakakaramdam ako ng hiya kapag naiisip kong binabasa marahil ng ibang lahi ang kaniyang mga kathang-isip na hindi maikakailang naglalamira sa dungis at hilantod ang pagkakayari. Ano na lamang ang sasabihin ng mga nakakaintindi ng Ingles? Na ang mga Pinoy ay mangmang sa lenguaheng sinasalita ng siyamnapu’t limang porsiyento ng mamamayan ng Pilipinas?

Kapag binabasa ko ang likhang-isip ni Monica ay kinakatas ko ang laman ng kanyang sinasabi at isinasaisangtabi ko na lamang ang gamit ng kanyang pangungusap. Sapagkat si Monica, sa kabila ng mayaman niyang guni-guni, ay walang pakialam o kaalaman sa alituntunin ng Balarila. Nariyan ang pagpipilit niyang maisiksik sa pangungusap ang isang salitang maganda lamang sa tunog ngunit walang katuturan ang gamit. Nariyan ang dalawang diwang pinag-isa niya para magmukhang malalim ang tono ng kanyang sinasabi pero ang kinalalabasan ay pangungusap na parang payasong nakatatawa. At ang pinakamasaklap nito ay ang kawalan niya ng pagsasa-alang-alang sa tamang gamit ng kudlit, tuldok, kuwit, gitling, at gangganitong mekanismo para sa ikalilinaw ng pangungusap o parirala.

Minsan ay naitanong ko sa aking kasama sa pinagtatrabahuhan kong opisina na malapit sa ‘SM Rosario’ ang tungkol sa mga pahayagang lokal. “Nagbabasa ka ba ng Cavite Sun, Rosario Times, at Salinas Journal?”

“Paminsan-minsan lang,” ang kanyang matamlay na sagot. At dudugtungan niya ito ng kanyang pansariling kuro-kuro.

“Kilala ko ang ilan sa nagsusulat sa mga diyaryong binanggit mo. May isa o dalawa sa kanila ang nagtapos ng ‘Pamamahayag’. Magaling sila. Ang kalidad ng kanilang artikulo ay kahanga-hanga, propesyonal, at puwedeng makipagsabayan sa lathalain ng mga batikang kolumnista ng Manila Bulletin. Pero ang iba ay masasabing sampay-bakod lamang. Mga mapangaraping disipulo ng Panitik na maligaya nang makita ang kanilang pangalan sa pahina ng pahayagan para masabing sila’y nagsusulat kahit na nanlilimahid at gigiray-giray ang konstruksyon ng kanilang mga akda.”

Minsan ay naiisip ko tuloy na bakit hindi na lamang ilagay sa “Joke Section” ang mga akda ni Monica.









RELATED STORIES

  • No Related Post


LATEST HEADLINES

COMMUNITY NEWS

A new way forward for some immigration application processing times thumbnail A new way forward for some immigration application processing times
Calgary Stampede 2018 Poster thumbnail Calgary Stampede 2018 Poster
Alberta celebrates first Philippine Heritage Month thumbnail Alberta celebrates first Philippine Heritage Month
UPAAA Welcomes New Philippine Consul General thumbnail UPAAA Welcomes New Philippine Consul General

PINOY STORIES

Duterte signs National ID System Act thumbnail Duterte signs National ID System Act

HAVE YOUR SAY

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

PROMOTIONAL BLOCK

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

TRAVEL NEWS



PINOY TOONS


Tags