Publisher's Note
It was 22 years ago when I arrived in Canada and chose Calgary, Alberta to be my home. Leaving my family and friends behind, it was a new adventure for me to be in a new country without knowing anyone. That was the time I looked for a Filipino community paper and never found any, [...]
Visitors to Pinoytimes
Page added on February 25, 2011
Noong nakaraang linggo, ipinakita ni Julius Babao sa “Krusada” na kahit sino ay may magagawa para maibsan ang lumalalang suliranin ng kagutuman at kakulangan ng nutrisyon sa bansa. Sa kaniyang sariling kakayahan, isinusulong ni Julius ang Food Donation Act at iba’t ibang school-based nutrition programs na layuning magpakain ng masustansya sa mga mag-aaral, at ang iwasan din sa pagsasayang ng pagkain.
Ngayong linggo, si Karen Davila naman ang magsusulong ng kanyang sariling adhikain. Walong taon na ang nakalilipas mula nang gawin ni Karen ang award-winning two-part documentary na “Yellow Babies” para sa “The Correspondents”. Tampok dito ang laban ng isang batang may Biliary Atresia, isang malubhang karamdaman sa atay na ikinakasakit ng isa sa kada 15 libong bata sa bansa.
Marami nang mga batang naghihikahos para sa operasyon ngunit kinakailangan pang lumabas ng bansa upang maisalba ang buhay ng mga pasyente. Kaya simula noon, isinulong na ni Karen ang pagkakaroon ng liver transplant facility sa Pilipinas.
Ngayong Huwebes (Feb 3) sa “Krusada”, kilalanin ang tatlong taong gulang na si Erica, ang pasyente ng unang matagumpay na liver transplant operation sa bansa. Ayon sa datos ng Medical City, naobserbahan ang jaundice sa bata noong siya ay dalawang buwan pa lamang. Pagkaraan ng mahigit dalawang taon, kinailangan na siyang sumailalim sa isang transplant operation sapagkat nagkaroon na siya ng malalang gastrointestinal bleeding.
Sadyang malapit sa puso ni Karen ang mga storyang umiikot sa mga bata hindi lamang dahil sa pagiging broadcast journalist kundi bilang isang ina. Ngunit hindi lamang niya laban ito o ng mga bata, laban rin ito ng mga nagmamahal na magulang.
Makinig, makisama at makiisa sa krusada ng mga magulang ng mga batang may Biliary Atresia. Manood ng “Krusada” sa The Filipino Channel (TFC).
Karen Davila with Dr. Vanessa de Villa and successful liver transplant patients she operated in Taiwan
Masugid na tagasuporta si Julius Babao ng mga programang nagdadala ng masustansyang makakain sa mga kapus-palad na mag-aaral
RELATED STORIES
LATEST HEADLINES
COMMUNITY NEWS
A new way forward for some immigration application processing timesPINOY STORIES
Duterte signs National ID System ActPINOY SPIRIT
HAVE YOUR SAY
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.PROMOTIONAL BLOCK
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.TRAVEL NEWS
PINOY TOONS
Tags
Archives