Publisher's Note
It was 22 years ago when I arrived in Canada and chose Calgary, Alberta to be my home. Leaving my family and friends behind, it was a new adventure for me to be in a new country without knowing anyone. That was the time I looked for a Filipino community paper and never found any, [...]
Visitors to Pinoytimes
Page added on August 27, 2012
By Glynn Galla
“Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino”. Ito ay ang tema ng linggo ng Wika sa taong ito.
Ang katatagan ng wikang Pilipino ay nakasalalay sa mga mamamayan nito, kaakibat ng pagiging Pilipino ay ang mga pangaral at turo ng ating mga ninuno.
Ilang siglo na rin ang nakaraan buhat ng binigyan laya ng ating mga bayani ang ating kasarinlan. Isa sa mga katangi-tangi na pagiging isang Pilipino ay ang ating Wika. Isang pamana na binuhisan ng pawis, dugo at buhay, upang tayo’y ganap na maging malaya sa mga dayuhang mananakop.
Ang wika ay nagsisilbing tulay para sa lahat ng mga Pilipino, pinagbuklod niya ang mga nasa Batanes ng hilaga hanggang sa tawi-tawi sa timog tungo sa isang mithiin, ang pagiging isa kahit tayo ay nahahati sa ibat-ibang rehiyon.
Tayo ay binubuo ang ibat-ibang itniko, mga salita na iba sa bawat pulo ngunit dahil sa isang tao na nag sulong para tayo ay maging isang matatag na bansa, ginawa ng Pangulo Quezon sa abot ng kanyang makakaya ang magkaroon ng pambansang wika. Ang Wikang Pilipino.
Bilang isang bansang malaya, may sariling pamahalaan may sariling kultura at wika, ipinapakita lang natin, na tayo ay bansang kayang lampasan ang unamang dagok na darating sa ating kasarinlan. Dapat nating ipagbunyi at ipagmalaki na tayo ay mga Pilipino sa kulay man o sa salita na ating ginagamit.
Hindi natin maikakaila na kasabay ng pag-unlad ng ating lupang hinirang ay siyang unti-unting paglimot sa ating mahal na Wika. Marahil sa paglipas ng panahon ang ating mga kababayan tila nakakalimot na sa kanilang pinagmulan. Dahil sa mga makabagong panahon ang ating wika tila bagang isang kasaysayan na lamang. Mas marami sa atin ang pilipiling mag salita ng inglis kaysa wikang kinagisnan, hindi masamang umunlad subalit kung ang kapalit nito ay ang pag wasak ng ating pagkapilipino, ito ay pag yurak sa ating kasaysayan.
Saan man tayo sa mundo dala-dala natin ang pagkapilipino, dahil sa ating wika, ito ay naging ating pagkakilanlan at simbolo ng isang palabang lahi. Panatilihin nating buhay ang diwa ng nakaraan sa pag alala at pagunita ng ating wika, sabi ng isang tanyag na manunulat; “Ang tunay na susi ng isang bansang maunlad ay ang pagkakaunawaan at pagkakaintindihan dahil sa isang Wika.
Para sa akin ang tatag ng ating wika ay nakasalalay sa ating mga balikat. Tayo ang inaasahang magpalaganap at magbahagi sa susunod pang salin lahi. Huwag sana nating kalimutan, dahil sa ating sariling Wika, ang mundo ay lubos na humahanga.
RELATED STORIES
LATEST HEADLINES
COMMUNITY NEWS
A new way forward for some immigration application processing timesPINOY STORIES
Duterte signs National ID System ActPINOY SPIRIT
HAVE YOUR SAY
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.PROMOTIONAL BLOCK
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.TRAVEL NEWS
PINOY TOONS
Tags
Archives