Publisher's Note
Dear Kababayans, I hope you are all doing well this April and are keeping safe and healthy during this trying time. Last month we saw businesses closing down and workers getting laid off because of the economic shutdown that was created by the Coronavirus Pandemic. This puts a lot of stress on people as bills just [...]
Visitors to Pinoytimes
Page added on December 22, 2013
ni Juan Manila
May sanggol na sinilang sa bayan ng Betlehem
Jesus ang pangalan sabi ng anghel
Tala’y lumiwanag sa Silangan ng Israel
Nagsasabing dumating na, ating Emmanuel
Tatlong haring mago agad bumisita
dala’y ginto,kamanyang at mira
Simula ng bigayan,Pagpuri’t ,pagdakila
Kay Jesus na sanggol na hari ng madla
Ngayo’y nagsasaya pamilya’y nagbubunyi
Dahil kapaskuhan malapit ng mamimithi
HInihintay ng bata na laging nakangiti
Nakatingin sa mga punong tatad ng palamuti
Sa pagunita ngayong ating kapaskuhan
masaya ang bawat miembro ng tahanan
sining ay maniningning buong kapaligiran
Parol ng Pilipino’y,nangagkikislapan
Narinig ko na ang awiting masaya
Awiting pamasko ako pa’y napakanta
Unang Carolling ay biglang naalala
Tambol ko pa nga, ay gawa ni Ama.
Di namin alintana kung anong kapalit
ng Pamaskong awitin na aming hinatid
kasama ay kaibigan, at ang mga tinig
Espirito ng pasko sa puso ay nakaukit
Ngunit para naman sa nangungulila
Anak ay malayo’t mga nagdurusa
mga nagkagalit na parehong lumuluha
maghawak kamay nawa kahit sa gunita
Tayoy magpasalamat ng walang humpay
sa Diyos na nagbigay , pagasa sa buhay
Narito ang pagdiriwang na laging hinihintay
Maligayang Pasko na buong pagpupugay.
Ngayong Pasko ay maging masaya at magkamit tayo ng kapayapaan ng isipan at nawa’y pagpalain tayo ng poong maykapal..
Tunay nga ang mga bata ang numero unong nakararamdam ng Pasko.Huwag po sana silang biguin sa pagdiriwang nito.Ang mga magulang at nakatatanda ang dapat maging modelo sa pagsalubong sa pinakamahabang pagdiriwang ng taon.
Ang mga kasiyahan na ating ibibigay sa ating mga anak ay magiging baon hanggang sa kanilang pagtanda,malalaman nila na ang espirito ng pasko ay nanggaling sa kanilang pamilya at kakaiba ang armonya nito. Ituro din nating magpasalamat sa Diyos sa araw-araw lalo na’t sa araw ng Pasko.
Ang pasko ay pagibig, kapayapaan,at pag-asa.Ito rin ay pagbibigayan at pagtutulungan dahil sa ating iisang pananampalataya.
Sana’y marapatin natin kahit hindi pasko , manatili ang mga kaugalian at katangian na ito sa ating mga puso.
Mula po sa FilCanadian Broadcasters Society kami po’y bumabati sa inyo,
Maligayang pasko !! at Manigong Bagong taon sa inyong lahat!!!
Mabuting kalusugan,kasaganaan,at kasiyahan para sa taong 2014.
RELATED STORIES
LATEST HEADLINES
COMMUNITY NEWS
UNDER A “NEW NORMAL,” PCG IN CALGARY RESUMES PASSPORT SERVICESPINOY STORIES
Over 22 million students now gearing up for school – DepEdHAVE YOUR SAY
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.PROMOTIONAL BLOCK
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.TRAVEL NEWS
PINOY TOONS
Tags
Archives