Publisher's Note
It was 22 years ago when I arrived in Canada and chose Calgary, Alberta to be my home. Leaving my family and friends behind, it was a new adventure for me to be in a new country without knowing anyone. That was the time I looked for a Filipino community paper and never found any, [...]
Visitors to Pinoytimes
Page added on February 24, 2014
by Dingdong Amandy
Itong aking kwento, ay hango sa aking karanasan
Dati kong trabaho, papetiks-petiks lamang.
Pero di naman parati, pati utak ay pagod din minsan.
Ayun, laking pagbabago ngayun ang aking nararanasan.
Ngayun ko napagtanto, ang takbo ng buhay dito
Parati mabilis ang kilos ng mga tao.
Minsan may bumabati, minsan may mga suplado.
Di mo malaman, kung sino taong totoo.
Tila baga’y ang aking katawan ay naninibago.
Biruin mo otso oras kang laging nakatayo.
Ngayun ko naaalala muli ang aking dating trabaho.
Otso oras din, pero laging nakaupo
Kaya aking kabayan, lagi mo isipin ang kinabukasan.
Kung ikaw ay mananatili o aalis sa bansang sinilangan.
Tanging aking payo, magisip ka ng ilang beses diyan.
At ihanda ang sarili, sa pagbabagong mararanasan.
Pero ako ay naniniwala ito ay pagsubok lamang
Kaunting tyaga at kaunti tiis ang aming madadanasan
Lagi ko iniisip ang benipisyong kakaiba dito sa baong bayan.
Kung saan mga anak ko ang may masarap na kinabukasan.
Aking ng tatapusin, ang kwento kong patula
Kung gusto nyo magkomento , gawin din ninyong patula.
Aking pa ring mahal ang ating sariling wika
Kasi nagdudugo ang ilong ko sa salitang banyaga
RELATED STORIES
LATEST HEADLINES
COMMUNITY NEWS
A new way forward for some immigration application processing timesPINOY STORIES
Duterte signs National ID System ActPINOY SPIRIT
HAVE YOUR SAY
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.PROMOTIONAL BLOCK
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.TRAVEL NEWS
PINOY TOONS
Tags
Archives