Publisher's Note
It was 22 years ago when I arrived in Canada and chose Calgary, Alberta to be my home. Leaving my family and friends behind, it was a new adventure for me to be in a new country without knowing anyone. That was the time I looked for a Filipino community paper and never found any, [...]
Visitors to Pinoytimes
Page added on January 17, 2016
By: Glynn Galla
Walang sakit, walang hirap at walang pag aalala, may mga bagay sa ating isipan na sana ito nalang ang mangyari, subalit hindi ito nakakamit ng basta basta.
Marami sa atin ang nangingbang bansa, marami sa atin ang nagbabakasali na matatagpuan natin ang matagal na nating pinapangarap, pangarap na makaahon sa buhay at pangarap na makatulong sa pamilya. Marahil marami na sa atin ang nangibang bansa, nakatakas sa magulo at walang kasiguraduhang umaga, madami na sa atin ang namalagi at kasalukuyang tinatamasa ang matagal na nila pangarap na makaalis sa ating lupang pinag mulan.
Karamihan sa atin, sa ibang bansa na nagkaroon ng bagong buhay, nagkaroon ng pamilya at bagong pag-asa, sawari koy marami sa atin ang nagpapasalamat at wakas nakataring na din tayo sa lugar na tingin natin ay katuparan ng lahat ng ating mga pangarap. Ibang-iba sa ating nakagisnan, ibang-iba sa buhay na pilit natin tinatakasan. Mga bagong lugar, mga bagong simula sa pagharap ng hamon.
Subalit habang tayo’y unti unting nakakaahon, napagtibay ang ating pamamalagi sa ibang bansa, tila may mga bagay na ang buong akala natin ay nakamit nanatin. Akala na natin ang pagkakaroon ng masagang pamumuhay ay sapat na, akala natin ang kapasidad nating makapag pundar ng ari-arian ay tama na, ngunit may puwang sa ating puso na nagsusumamo na hindi pa ito ang nakatadhana sayo. May bumubulong sa ating isipan na may ikakaunlad pa ang ating mga sarili, may sumisigaw sa iyong damdamin na meron kapang dapat gawin. Meron kapang minimithi sa iyong sarili na kailangan mo gawin, kailangan mong harapin.
Ang buhay ay hindi nasusukat sa kung ano ang meron ka, kung ano ang narating mo na at kung ano pang mararating mo. Habang tayo ay sumasabak sa pang araw araw na pagsubok, unti unting lumiliwanag sa ating kamalayan kung ano ang ating pakay, ano ang dahilan kung bakit tayo ang nasa ganitong estado. Kung iyong babalikan nakapa ganda ng buhay, hindi mo ito mapahalagahan kung hindi mo naranasan ang hirap at pighati bago mo ito nakamtan.
Pagnakamit mo na iyong pinakamimithi, hindi ibig sabhin ay natupad mo na ang pakay mo sa mundong ibabaw, habang ikaw nabubuhay, ikaw ay may tungkulin, ikaw ay may dapat gawin para sa iba, ang materyal na bagay na ay kukupas din, ang magagarang ari arian ay maglalaho din, subalit ang iyong habilin, ang iyong mga pamana ay mananatili sa puso ng mga nagmamahal sayo. Ang buhay ay hindi lang kwento ng kabiguan at tagumay ito ay may dahilan, bigyang kabuluhan at ipagyaman sa pamamagitan sa tulo sa kapwa at magsilbing pag asa sa iba.
RELATED STORIES
LATEST HEADLINES
COMMUNITY NEWS
A new way forward for some immigration application processing timesPINOY STORIES
Duterte signs National ID System ActPINOY SPIRIT
HAVE YOUR SAY
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.PROMOTIONAL BLOCK
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.TRAVEL NEWS
PINOY TOONS
Tags
Archives