- pinoytimes.ca - https://pinoytimes.ca -
Tula ng Buhay sa panulat ni Julian Makiling
Posted By nenette On June 16, 2016 @ 1:17 pm In Maikling Kwento | No Comments
ANG INGGIT, BOW!
BATO-BATO SA LANGIT, ANG TAMAAN HWAG MAGAGALIT;
ITO’Y PANANAW LAMANG NG ISANG TAONG NAGMAMALASAKIT;
SA ATING MGA KABABAYAN NA NAMAMATAY SA INGGIT;
SA MGA KAPWA KABABAYAN NA MARUNONG MAGSUMIKAP NG HIGIT.
ANG INGGIT AY MALALA PA SA ISANG NAKAMAMATAY NA SAKIT;
NA KAHIT SINONG DOKTOR O PAGAMUTAN AY WALANG MAKAKAGAMOT;
TANGING IKAW LAMANG ANG MAKAKALUNAS SA IYONG INGGIT;
SA KAPWA MONG NAKALALAMANG SA BUHAY NG HIGIT.
KAYA’T KAIBIGAN KONG INGGITERO’T INGGITERA;
HINAY-HINAY LANG SA INYONG MGA HIMALA;
BAKA DUMATING ANG PANAHON KAYONG MAGING TULALA;
SA INYONG MGA GINAGAWA PARA LANG MAKASIRA NG IBA.
TAONG KILALA’Y HINDI MARUNONG MAGPAHALAGA;
SA LAHAT NG NAITULONG AT PAKIKISAMA SA KANILA;
BAGKUS PINAGPALIT ANG MABUTING PINAGSAMAHAN;
SA KAPIRASONG PANGARAP NA MAGKAMAL NG KAYAMANAN.
PAMILYANG PINAHALAGAHAN AT MINAHAL NG TUNAY;
SADYANG NAGING HUDAS DAHIL SA KAGAHAMAN;
NGAYON SILA’Y NAGDUSA SA KAWALANGHIYAAN;
PASASAAN BA AT SA LUPA DIN ANG BAGSAK NILA.
TANDAAN ANG INGGIT AY ISANG LASON NA NAKAMAMATAY.
KAYA MAG-INGAT MGA KAIBIGAN SA INYO MGA KAHANAY;
HINDI LAHAT NG NAKANGITI AY TUNAY MONG KAKAMPI
DAHIL ANG NGITI NILA AY MASKARANG MAHUSAY MANG-API.
Article printed from pinoytimes.ca: https://pinoytimes.ca
URL to article: https://pinoytimes.ca/2016/06/short-stories/tula-ng-buhay-sa-panulat-ni-julian-makiling/
Click here to print.
Copyright © 2009 pinoytimes.ca. All rights reserved.