Publisher's Note

  • Publisher’s Note

    Dear Kababayans, I hope you are all doing well this April and are keeping safe and healthy during this trying time. Last month we saw businesses closing down and workers getting laid off because of the economic shutdown that was created by the Coronavirus Pandemic. This puts a lot of stress on people as bills just [...]

    Read full post »


Visitors to Pinoytimes

Start of StatCounter Code End of StatCounter Code


Page added on July 21, 2016

Email this to a friendEmail This Post Email This Post                      Printable versionPrint This Post Print This Post

Tula ng Buhay sa Panulat ni Juan Makiling

Tula ng Buhay sa Panulat ni Juan Makiling thumbnail

Ang Tsismoso’t Tsismosa

Bato-bato sa langit tamaan wag mabubukulan!

Bakit nga ba ang mga tao ay sa sadyang mapaghusga
Kung anong masagap sa tabi-tabi ay pinaniniwalaan
At pilit na ikakalat sa buong kapuluan
Ang tsismis na nasagap kung saan-saan.

Di nga ba’t may kasabihan
Na ang maniwala sa sabi-sabi
Ay daig pa ang walang bait sa sarili
Ngunit tila ito’y dedma sa mga batikang tsismoso’t tsismosa

Sabi nga nila na ang tao’y sadyang makasalanan
Mga mata’y mapanuri
Mga bibig ay makakati
Mga tenga’y nakikinig sa mga sabi-sabi

Anong ikabubuti sa pagkakalat mo ng tsismis
Dapat mong isaisip na bago manira ng iba
Isipin mo Muna Kung perpekto kang talaga
Baka mas masahol ka pa sa taong  tsinitsismis mo

Anong karapatan Mong manghusga
Sa mga naririnig sa iba

Masahol ka pa sa mga taong mahilig

Makisawsaw sa buhay ng iba

Ano nga ba ang kabutihang idudulot

Na pagkakalat mo ng tsismis

Kung ihalintulad mo ang isang ahas

Ay nagiging sawa sa iyong kadaldalan.

Mga babae, lalake, bakla at tomboy

Di kasarian ang nagiging batayan

Pero kung ikaw ay isang taong may sariling pag-iisip

Pagdating sa yo ng tsismis ay di na ito isasalin pa.

Ating intindihin ang sari-sarili nating buhay

Sabi nga ng Santo Papa sa Roma

Ang tsismis ay nakakamamatay

Dahil ito ay paninirang puri sa iyong kapwa tao.

Kaya’t mga kaibigan itigil ang pagkakalat ng tsismis

Mga tsismoso’t tsimosa’y mga salot sa lipunan

Tahimik na buhay ng iba ay pilit na sisirain

Dahil lang sa mga makakating dila nila.









RELATED STORIES

  • No Related Post


LATEST HEADLINES

COMMUNITY NEWS

UNDER A “NEW NORMAL,” PCG IN CALGARY RESUMES PASSPORT SERVICES thumbnail UNDER A “NEW NORMAL,” PCG IN CALGARY RESUMES PASSPORT SERVICES
Canada turning to foreign airlines to bring home citizens stranded by pandemic thumbnail Canada turning to foreign airlines to bring home citizens stranded by pandemic
Calgary shopping malls adopting safety measures ahead of Thursday’s planned reopening thumbnail Calgary shopping malls adopting safety measures ahead of Thursday’s planned reopening
Announcement from The Philippine Consulate General in Calgary thumbnail Announcement from The Philippine Consulate General in Calgary

PINOY STORIES

Over 22 million students now gearing up for school – DepEd thumbnail Over 22 million students now gearing up for school – DepEd

HAVE YOUR SAY

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

PROMOTIONAL BLOCK

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

TRAVEL NEWS



PINOY TOONS


Tags