- pinoytimes.ca - https://pinoytimes.ca -
Tula ng Buhay sa Panulat ni Juan Makiling
Posted By nenette On August 20, 2016 @ 2:08 pm In Maikling Kwento | No Comments
ANG PANGARAP NI PEDRO
Si Pedro’y nangarap na mangibang bansa
Upang mabigyan ang pamilya ng magandang kinabukasan
Ngunit iba ang kinahinatnan ni Pedro sa ibang bansa
Nakalimutan ang pamilya at natukso sa iba
Pamilya ni Pedro’y biglang napabayaan
Pangarap niya para sa pamilya’y nakalimutan
Tinalikuran ng tuluyan ang mga anak at kabiyak
Dala ng kahinaan at di pag-iisip ng mga bagay-bagay.
Pangarap ay dapat na nilililinaw natin
Bago pa man din natin gawin ang mga dapat gawin
Isipin kung bakit tayo ay nangangarap
Pansarili lang ba o para sa mga mahal natin sa buhay.
Hindi masama ang mangarap para sa ikabubuti natin
Basta’t sa tamang paraan ay itutuloy ang mga pangarap
Gawin sa tamang paraan para ito’y iyong makamit
At taimtim na buuin ang mga pangarap para sa iyong pamilya.
Ngunit kung ang pangarap ang magiging mitsa ng buhay
Mabuti pang wag na lang mangarap at iwanan ang pamilya
Maraming nangibang bayan na nawasak ang buhay
Dahil mas nanaig ang tukso kaysa sa pangarap.
Ngunit di natin pwedeng lahatin
Dahil may mga matitinong nangarap at natupad
Dahil na rin sa taimtim na pagmamalasakit
Sa mga iniwan mong mahal sa buhay.
Hwag gayahin ang mga nawasak na pagsasama
Dahil sa mga udyok at tukso sa yong paligid
Isipin palagi ang ikabubuti at ikauunlad ng buhay
Para naman hindi masayang ang iyong pangarap
Ang pangarap natin ay gamitin para sa ikakabubuti ng buhay
Hwag gamitin para lang takasan ang problema sa pamilya
Palaging manalangin na matupad ang pangako
Na syang iniwang pangarap lalo pa sa mga anak at asawa.
Article printed from pinoytimes.ca: https://pinoytimes.ca
URL to article: https://pinoytimes.ca/2016/08/short-stories/tula-ng-buhay-sa-panulat-ni-juan-makiling-2/
Click here to print.
Copyright © 2009 pinoytimes.ca. All rights reserved.