Publisher's Note
Dear Kababayans, I hope you are all doing well this April and are keeping safe and healthy during this trying time. Last month we saw businesses closing down and workers getting laid off because of the economic shutdown that was created by the Coronavirus Pandemic. This puts a lot of stress on people as bills just [...]
Visitors to Pinoytimes
Page added on April 27, 2019
Pampublikong Pahayag
Hinihikayat ang mga aplikante na mag-apply bago sa nakatakdang petsa – ika-4 ng Hunyo
March 15, 2019—Ottawa, ON – Ang mga caregivers na nasa Canada upang magbigay serbisyo sa mga pamilya dito, at umaasang maging permanenteng residente sa Canada ay maaaring nang mag-apply sa Interim Pathway for Caregivers (IPC).
Ang mga caregivers na pansamantalang nag tatrabaho sa Canada ngunit hindi kwalipikado para sa anumang iba pang kasalukuyang programa para sa mga caregivers ay hinihikayat na suriin ang mga pamantayan at mag simulang gumawa ng aplikasyon upang hindi makaligtaan ang huling araw ng pagpasa sa ika-4 ng Hunyo.
Kabilang sa mga pamantayan ng IPC ang:
· balidong permiso upang magtrabaho sa Canada
· isang taong esperyensa sa trabaho upang tagapagalaga ng bata sa loob ng tahanan pag susuporta sa tahanan o ang kumbinasyon ng dalawang okupasyon.
· Minimong ika-5 antas sa Canadian Language Benchmark sa pag basa, sulat, pakikinig, at pag salita sa Inglis o Pranses.
· Dayuhang katumbas o diploma mula sa isang paaralang sekundaryo sa Canada.
· Kung hindi maaaring kunin ang iyong Educational Credential Assessment bago
sumapit ang takdang petsa, kailangan mag bigay ng pruweba na ikaw ay humiling na ng pagpapatunay.
· Kung hindi maaaring dumating ang resulta ng language test bago sumapit ang
takdang petsa, kailangang mag bigay ng pruweba na merong natakdang araw na sinulat na ito, kasama ang petsa.
Ang mga aplikasyon para sa pagiging residenteng permanente sa pamamamagitan ng IPC ay mapoproseso sa loob lamang ng 12 na buwan at walang limitasyon sa bilang ng mga caregivers na kasama ang kanilang mga asawa o kinakasama at mga anak na umaasa pa sa mga magulang, na maaaring tanggapin.
Sipi
“Ang mga caregivers ay dumarating sa Canada upang mag-aruga at mag-alaga sa mga pamilyang nangangailangan nito, at oras na para sa ating bansang Canada na alagan din sila bilang kapalit. Upang patunayan ang aming pangako, sa wakas ay mag bibigay kami sa kanila at sa mga miyembro ng kanilang mga pamilya ng pagkakataon na mag-apply upang maging permanenteng residente.”
– The Honourable Ahmed Hussen, Minister of Immigration, Refugees and Citizenship
Mga Katunayan
· Noong Oktubre 2017, merong backlog na halos 9000 na mga kaso na nagrerepresenta ng halos 24,000 na mga caregivers at miyembro ng kanilang mga pamilya mula sa Live-in Caregiver Program (LCP). Nagawa naming bawasan ang backlog na ito sa 495 kaso na lamang, na nagrerepresenta ng 2,655 na tao na natitira upang maproseso – isang malaking kabawasan na halos 95 porsyento.
· Ang oras upang pagproseso para sa mga bagong aplikasyon mula sa mga caregivers na binigyan ng eksemsiyon sa LCP ay 12 na buwan sa halip na pinakamatas na 60 na buwan noong nakalipas na mga taon. Ang mga aplikasyon sa ilalim ng Caring for Children and Caring for People with High Medical Needs pilots ay patuloy na poproseso sa 6 na buwan o mas mababa.
· Sa Hunyo 2019, ang Home Child Care Provider Pilot at ang Home Support Worker Pilot ay ilulunsad, at papalitan ang Caring for Children and Caring for People with High Medical Needs pilots. Ang bawat bagong pilots ay may maximum na aplikante na 2,750 na pangunahing aplikante para sa pinagsamang kabuuan na 5,500 na mga pangunahing aplikante kada taon. Ang mga asawa o kinakasama at ang mga anak na umaasa pa sa magulang ay hindi isasali sa bilang ng limitasyon ng mga pangunahing aplikante.
· Sa ilalim ng bagong pilot na mga programa, ang mga caregiver na in-home ay makakatanggap ng work permit na occupation-specific na magbibigay ng mas mabuting oportunidad upang mag palit ng pinagtatrabahuhan kung kinakailangan upang maka-iwas sa mga posibleng pangaabuso. Ang mga caregivers ay maaari din dalhin ang kanilang mga pamilya kasama nila sa Canada dahil ang kanilang mga asawa o kinakasama ay maaaring kumuha ng work permit at ang kanilang mga anak na umaasa pa sa magulang ay maaaring kumuha ng study permit.
Kaugnayang Produkto
· Pampublikong Pahayag: Caregivers will now have access to new pathways to permanent residence
· Aplikasyon: Interim Pathway for Caregivers
· Patakarang pampubliko: Interim Pathway for Caregivers
· Pahina: Compare your options for permanent residence as a caregiver
Sundan kami sa:
RELATED STORIES
LATEST HEADLINES
COMMUNITY NEWS
UNDER A “NEW NORMAL,” PCG IN CALGARY RESUMES PASSPORT SERVICESPINOY STORIES
Over 22 million students now gearing up for school – DepEdHAVE YOUR SAY
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.PROMOTIONAL BLOCK
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.TRAVEL NEWS
PINOY TOONS
Tags
Archives