Publisher's Note

  • Publisher’s Note

    Dear Kababayans, I hope you are all doing well this April and are keeping safe and healthy during this trying time. Last month we saw businesses closing down and workers getting laid off because of the economic shutdown that was created by the Coronavirus Pandemic. This puts a lot of stress on people as bills just [...]

    Read full post »


Visitors to Pinoytimes

Start of StatCounter Code End of StatCounter Code


Page added on December 26, 2019

Email this to a friendEmail This Post Email This Post                      Printable versionPrint This Post Print This Post

Ano nga ba ang alaala ng Pasko nung ako’y bata pa?

- naniwala akong may Santa Claus kasi tuwing Pasko may regalo sa ilalim ng Christmas tree at tuwing tatanungin ko ang tatay ko palagi nyang sagot ay galing Kay Santa Claus.  Ngunit dumating Ang Isang bisperas ng Pasko at ako’y nagising ng hatinggabi.  Lumabas Ako ng kuwarto dahil nauhaw ako at iinom ng tubig.  Nang biglang may Nakita ako na di ko inaasahan.  Ang tatay ko pala si Santa Claus.  Siya pala ang naglalagay ng regalo sa ilalim ng Christmas tree.  Kaya kahit anong tago ng mga magulang na sila ang naglalagay ng regalo para sa kanilang mga anak, at sinasabi nila galing yon kay Santa Claus, ano ba’t malalaman at malalaman din nila ang totoo na ang kanilang magulang ang nagbibigay sa kanila ng regalo.

- nung bata pa kami, nagpupunta kami sa Bahay-Bahay tuwing araw ng pasko upang manghingi ng aginaldo sa mga matatanda.  Kadalasan ito ay ginagawa naming pagkatapos naming magsimba at managhalian bilang isang pamilya.  Uunahin naming puntahan ang mga ninong at ninang naming na talagang pinaghahandaan ang pagbibigay ng aginaldo sa kanilang mga inaanak.  At pagkatapos ay pumupunta na kami ng Bahay-Bahay upang manghingi ng aginaldo sa mga kakilala naming mga kapitbahay.  Pagkatapos mamasko, magbibilangan na kami ng mga aginaldo na aming nakuha at itatabi naming ang pera para kung may kailangan kaming bilhin ay may pera na kaming magagamit at di na naming kailangang humingi sa aming magulang.

- nung bata pa kami ay mahilig kaming mag-caroling bago magpasko, nagbabahay-bahay kami na kumakanta ng awit na pamasko.  Minsan ay apat kaming magkakalaro na mag-cacaroling at madalas ay dumadayo pa kami sa kabilang kalsada para lang mag-caroling. Hindi kami masyadong nagpapagabi dahil mga bata pa kami pag naka-lima o anim na Bahay na kami ay humihinto na kami at maghahati-hati sa perang nalikom namin.  Talagang kakaiba nung mga panahong kami ay bata pa tuwing kapaskuhan,

-  pero higit sa lahat, nung bata pa kami ay palaging hinihintay namin ang Pasko dahil bago umabot ang araw ng Pasko, binibilhan kaming ng mga bagong damit at sapatos dahil ang Pasko ay espesyal na araw para sa mga bata.  Maganda ang mga damit at makintab ang mga sapatos.  At minsan ay may katerno pang bag na paglalagyan ng mga aginaldong matatanggap mo sa arawl ng Pasko.

- Ngunit ngayon na ako ay isa ng Lola, mas kinagigiliwan kong magbigay ng regalo sa aking mga apo, dahil kahit simpleng bagay lang ang ibigay mo, tuwang-tuwa na sila.  At madalas ay paramihan pa sila ng nakukukhang regalo.  Hay, Pasko, di lang para sa bata kundi para din sa matanda……kahit ilang dekada na ang lumipas, isang magandang alaala ang araw ng Pasko.

At bukod sa lahat, dapat ay magkaroon tayo ng kapayapaan at pumuin nating na pagmamahal ang ating mga mahal sa buhay. Hwag tayong mawawalan ng pag-asa sa mga pagsubok na darating sa ating buhay, dahil palaging may nakaalalay sa atin sa taas at di tayo pababayaan.  Sana ay maging masaya at makulay ang inyong Pasko ngayong 2019 at maging masagana ang inyong buhay sa darating na bagong taon.









RELATED STORIES

  • No Related Post


LATEST HEADLINES

COMMUNITY NEWS

UNDER A “NEW NORMAL,” PCG IN CALGARY RESUMES PASSPORT SERVICES thumbnail UNDER A “NEW NORMAL,” PCG IN CALGARY RESUMES PASSPORT SERVICES
Canada turning to foreign airlines to bring home citizens stranded by pandemic thumbnail Canada turning to foreign airlines to bring home citizens stranded by pandemic
Calgary shopping malls adopting safety measures ahead of Thursday’s planned reopening thumbnail Calgary shopping malls adopting safety measures ahead of Thursday’s planned reopening
Announcement from The Philippine Consulate General in Calgary thumbnail Announcement from The Philippine Consulate General in Calgary

PINOY STORIES

Over 22 million students now gearing up for school – DepEd thumbnail Over 22 million students now gearing up for school – DepEd

HAVE YOUR SAY

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

PROMOTIONAL BLOCK

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

TRAVEL NEWS



PINOY TOONS


Tags