Publisher's Note
Belated Happy Labor Day to all. Colors are changing around us, a sign that summer is over and fall is here to stay for a while. My 13 year old daughter and my 5 year old son are very much excited that school will soon start. We have to make sure that our children are safe [...]
Visitors to Pinoytimes
Page added on August 30, 2020
Bilang bahagi ng mga bagong hakbang para sa kaligtasan ng paaralan sa paglaban ng COVID-19, ang paggamit ng mask para sa mga mag-aaral sa Grade 4 hanggang 12, at lahat ng kawani ng paaralan, ay maging sapilitan pagbalik nila sa paaralan sa pasukan 2020-21.
Ang lahat ng mga mag-aaral sa Grades 4 hanggang 12 at lahat ng mga kawani sa public, separate, Francophone, charter, at independiyenteng paaralan ay makakatanggap ng dalawang mask na muling magagamit (reusable) mula sa gobyerno ng Alberta. Mahigit sa 1.6 milyong mask ang ibabahagi sa 740,000 na mga mag-aaral at 90,000 na kawani. Mga karagdagang mask na pang-isahang gamit (single-use) ay ibibigay sa mga paaralan, kung kinakailangan.
Ang paggamit ng mask ay magiging sapilitan para sa mga kawani at guro sa lahat ng mga lugar o okasyon kung saan hindi mapapanatili ang pisikal na distansya. Ang mga mag-aaral ay kinakalilangan magsuot ng mask o pangtakip ng ilong at bibig sa lahat ng mga lugar na nababahagi at sa mga karaniwang lugar tulad ng mga pasilyo at sa mga bus. Ang pagbubukod sa paggamit ng mask para sa mga mag-aaral at kawani ay pinahihintulutan lamang kung ang dahilan ay medikal o iba pang mga pangangailangan.
Ang paggamit ng mask para sa mga mag-aaral sa kindergarten hanggang Grade 3 ay magpapatuloy na maging opsyonal. Ang paggamit ng mask para sa mas bata ay isang hamon dahil sa mga paghihirap sa wastong angkop o pagkasya ng mask at pagsunod sa patakaran. Ipinakikita din ng mga ebidensya na ang mga batang wala pang 10 taong gulang ay maaaring mas malabong makahawa ng COVID-19 kaysa sa mas matatandang mga bata o sa mga mayroong edad.
“Ang mga bagong hakbang sa pangkaligtasan ay makakatulong sa pag-iwas ng pagkalat ng COVID-19 sa ating mga paaralan, at kami ay magpapatuloY na makikipagtulungan sa mga awtoridad ng paaralan upang matiyak na sila ay handang handa para sa isang matagumpay na pagsisimula ng paparating na pasukan.” ~Adriana LaGrange, Ministro ng Edukasyon
“Pagkatapos masuri ang mga umuusbong na ebidensya, malinaw na ang mga mask ay may mahalagang gamit sa paglilimita sa pagkalat ng COVID-19. Pinag-isipan kong mabuti itong na-update na rekomendasyon, base sa kasalukuyang pinakamahusay na katibayan tungkol sa paggamit ng mask. Bagaman mahalaga ang mga mask, nais kong bigyang-diin na ang mga masks ay isa lamang sa maraming mga hakbang para sa kalusugan ng publiko upang malimitahan ang pagkalat ng COVID-19 at protektahan ang kalusugan ng mga mag-aaral, kawani at pamilya”. ~Deena Hinshaw, Chief Medical Officer ng Kalusugan para sa Alberta
Ang gobyerno ng Alberta ay nananatiling nakatuon sa pag-aayos ng mga alituntunin sa pagpasok sa paaralan batay sa kasalukuyang payo ng medikal. Pinag-aaralan ng Pinunong Mediko Opisyal ng Kalusugan ang mga katibayan tungkol sa paggamit ng mask sa mga paaralan, at ang pagpapasyang ito ay isang direktang resulta ng umuusbong na payo ng medikal.
Mga kalasag sa mukha
Ang mga kawani ng paaralan ay makakatanggap ng isang muling magagamit (“reusable”) ng kalasag sa mukha na gagamitin sa mga paaralan. Ang paggamit ng kalasag ay nasa pagpapasya ng indibidwal na miyembro ng kawani. Ang mga kalasag sa mukha na plastik ay maaaring makatulong sa pagbawas ng pagkakalantad ngunit hindi katumbas ng mga mask. Ang mask ay dapat pa ring isuot habang may suot na kalasag sa mukha.
Panglinis (“sanitizer”) sa kamay
Mga 466,000 litro ng hand sanitizer ang ibabahagi sa lahat ng mga awtoridad sa paaralan. Ang tiyak na dami na ibabahagi sa isang indibidwal na paaralan ay batay sa populasyon ng mag-aaral.
Termometro
Ang bawat paaralan ay makakatanggap ng dalawang “contactless” termometro upang makatulong sa pamamahala ng kalusugan ng mag-aaral at kawani. Ang paggamit ng termometro ay nasa pagpapasya ng awtoridad ng paaralan.
Pagsubok sa kawani
Ang Alberta Health at Alberta Health Services ay nagsusumikap na palawakin ang kapasidad sa testing at mabawasan ang mga oras ng pag-ikot para sa testing, kabilang ang mga kawani sa paaralan, guro, at mag-aaral, upang ang sinumang may mga sintomas o malapit na contact sa mga kaso ay mabilis na masuri at makatanggap ng mga resulta ng testing. Lahat ng mga supply ay ibabahagi sa mga awtoridad ng paaralan sa pagsisimula ng pasukan 2020-21. Pagkatapos ay ipapamahagi ng mga awtoridad sa mga indibidwal na paaralan, kawani at/o mga mag-aaral batay sa mga pangangailangan ng kanilang sariling komunidad.
Ang patnubay sa kalusugan ng panlalawigan para sa isang ligtas na pagbabalik sa paaralan ay magpapatuloy na magbago kung kinakailangan upang matugunan ang pinakabagong katibayan sa likas na katangian ng pandigong COVID-19.
Pangmadaliang impormasyon
Inanunsyo ng gobyerno ng Alberta na ang mga mag-aaral at kawani ay babalik sa paaralan sa ilalim ng senaryo 1 – malapit sa normal na pang-araw-araw na operasyon na may mga hakbang sa kalusugan – sa Hulyo 21.
Ang mga awtoridad sa paaralan ay kinakailangang maging handa sa paglipat sa pagitan ng tatlong senaryo na nakabalangkas sa plano ng muling pagpasok sa paaralan ng lalawigan. Ang mga pagbabago sa mga sitwasyon ay pagpapasyahan ng Alberta Education.
RELATED STORIES
LATEST HEADLINES
COMMUNITY NEWS
New temporary public policy will allow visitors to apply for a work permit without having to leave CanadaPINOY STORIES
Lawmakers slam ‘ridiculous’ MTRCB plan to censor NetflixHAVE YOUR SAY
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.PROMOTIONAL BLOCK
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.TRAVEL NEWS
PINOY TOONS
Tags
Archives