Publisher's Note

  • Publisher’s Note

    It was 22 years ago when I arrived in Canada and chose Calgary, Alberta to be my home.  Leaving my family and friends behind, it was a new adventure for me to be in a new country without knowing anyone.  That was the time I looked for a Filipino community paper and never found any, [...]

    Read full post »


Visitors to Pinoytimes






Page added on August 15, 2009

Email this to a friendEmail This Post Email This Post                      Printable versionPrint This Post Print This Post

“PRESIDENT CORY – Larawan ng Katatagan”

“PRESIDENT CORY – Larawan ng Katatagan”

Buong Pilipinas nagulantang, ng magbukang liwayway,
Araw ng Sabado, August one two thousand nine;
Malungkot na balita, tunay na nakagimbal,
Pangulong Corazon Aquino, tuluyan ng lumisan.

Isa ka ring bayani, tulad ng ‘yong kabiyak,
Nakitlan ng buhay, pagdating sa tarmac;
Inaasahang sasagip, sa bansang nasasadlak,
Nagdurusang Pilipinas, walang lubay sa pag-iyak.

Lakas mo’y di nagmaliw, lalo ka pang tumibay,
Isang katangiang, hindi lahat ay may taglay;
Buong tapang mong hinarap, mga kumakalaban,
Mga prinsipyo ni Ninoy, binigyan mo ng buhay.

Wala ng hihigit pa, sa kasaysayan ng mga Pinoy,
Nang magkaron ng People Power, sa mga Marcos nagtaboy;
Pagdanak ng dugo naiwasan, maraming napahagulgol,
Hindi makapaniwalang, may naganap na rebolusyon.

Subali’t hindi, ganoon kadali,
Maglinis ng lipunan, magtuwid ng mali;
Mga ahas naglipana, lihim na katunggali,
Mahirap isakatuparan, layuning minimithi.

Ngunit ang mahalaga, ay nasimulan mo,
Maayos na patakbo, sa masalimuot na gobyerno;
Tatag ng loob, kahit babae ka’y pinakita mo,
Hinangaan ka ng mundo, mga Pinoy nakapag taas-noo.

Katangi-tangi kang naglingkod, isa kang huwaran,
Dalisay na serbisyo, walang bahid ng pagkagahaman;
MakaDiyos, makatao, masunuring mamamayan,
Magising nawa ang iba dyan, ikaw sana’y tularan.

Dahil sa katapatan, ng ‘yong panunungkulan,
Buong angkan mo’y, kaya kang ipagyabang;
Mula sa ninuno, hanggang kaapu-apuhan,
Buong pagmamalaking, tataglayin ang ‘yong pangalan.

Ngayong ikaw nga, sa mundo’y nagpa alam,
Maaliwalas nawa, ang ‘yong paglalakbay;
Maluwalhating makarating, sa kaharian ng Maykapal,
Makakapiling na rin, ang asawang minamahal.

Patuloy kang mabubuhay, sa aming ala-ala,
Magsisilbing inspirasyon, igagalang tuwina;
Sa bansang Pilipinas, naibalik mo ang demokrasya,
Sambit ng mga Pinoy, karangalang naging kalahi ka.
BY: LOLA PANCHANG



4 Comments on "“PRESIDENT CORY – Larawan ng Katatagan”"

  1. Marietta on Mon, 17th Aug 2009 3:46 pm 

    Hello po Lola Panchang,

    Isa nga kayong sa mga anak ng Bulacan… malalim, mainit at madamdamin ang mga katagang inyong isinisiwalat sa pamamagitan ng mga tintang tumatatak sa isipan ant kamalayan. Mabuhay po ang mga lahing makakatang kagaya nyo! Taas noo ang kabayan ninyong bulakenyo!

    Marietta

  2. Avelino on Tue, 25th Aug 2009 3:12 am 

    ang galing mo naman Lola Panchang, kahit nasa Canada ka na ay nabaon mo pa rin ang mga katagang kasabay ipinanganak ni Gabriela Silang, i look forward po sa susunod ninyong contribution…masarap po kasing nakakabasa ng kakaiba, taga Bulacan siguro kayo ?

  3. Aya on Tue, 25th Aug 2009 3:39 am 

    mukha pong idol nyo si Tita Cory, at nakapag compose kayo ng isang tula na tila bagang hinukay sa kaibuturan ng inyong puso….

  4. Otrebla Omer on Sat, 29th Aug 2009 2:32 pm 

    Minamahal kong lola panchang,

    Sa pamamaraan ng inyong pagsusulat, kayo po’y masasabi kong kamaganak ni Francisco Balagtas. Napakaganda ng inyong isinasalsay sa mga isip ng ating mga kababayan at may mga aral na maiiwan sa ating kabataan. Nakakasiguro po akong kayo ay tubong Bulacan…. Ilan taon na po kayo?







RELATED STORIES

  • No Related Post


LATEST HEADLINES

COMMUNITY NEWS

A new way forward for some immigration application processing times thumbnail A new way forward for some immigration application processing times
Calgary Stampede 2018 Poster thumbnail Calgary Stampede 2018 Poster
Alberta celebrates first Philippine Heritage Month thumbnail Alberta celebrates first Philippine Heritage Month
UPAAA Welcomes New Philippine Consul General thumbnail UPAAA Welcomes New Philippine Consul General

PINOY STORIES

Duterte signs National ID System Act thumbnail Duterte signs National ID System Act

HAVE YOUR SAY

HAVE YOUR SAY Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

PROMOTIONAL BLOCK

PROMOTIONAL BLOCK Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

TRAVEL NEWS



PINOY TOONS


Tags