Publisher's Note

  • Publisher’s Note

    The year just flew by, it ’s barely 45 days and we’re into 2019.  It is amazing that with the change of season, that’s how fast we can feel that the year is almost over.  We started getting snow here and there and yet we’re still in the fall season. Mid-October to early November was a [...]

    Read full post »


Visitors to Pinoytimes






Page added on June 23, 2010

Email this to a friendEmail This Post Email This Post                      Printable versionPrint This Post Print This Post

NINA CORPUZ, NANALO NG INTERNATIONAL MEDIA PRIZE PARA SA LABOR RIGHTS MULA SA U.N.

NINA CORPUZ, NANALO NG INTERNATIONAL MEDIA PRIZE PARA SA LABOR RIGHTS MULA SA U.N. thumbnail

Pinarangalan ang ABS-CBN broadcast journalist na si Nina Corpuz ng Media For Labor Rights Prize, isang parangal sa larangan ng journalism na iginagawad ng International Labour Organization (ILO) na siyang labour arm ng United Nations.

Ang naturang prize ay kumikilala sa mga gawain na tumutulong na palaganapin ang impormasyon tungkol sa international labour standards kaugnay sa mga lokal na labour at social issues.

Ang artikulo ni Nina na pinamagatang “Filipino Domestic Workers, Between Justice and Survival” ay napili bilang pinakamahusay na istorya tungkol sa labour rights mula sa 50 pang ibang entries mula sa mga manunulat at miyembro ng media sa iba’t ibang panig ng mundo. Kabilang sa mga nagwagi ng naturang parangal sa nakaraang mga taon ay entry mula sa Japan at Zambia.

Igagawad ang prestihiyosong parangal sa award ceremony na magaganap ika-99 na sesyon ng International Labour Conference sa Geneva, Switzerland mula June 2 hanggang 18.

Ilalathala ang sinulat ni Nina sa mga dyaryo sa iba’t ibang bansa na isasalin sa iba’t ibang lengwahe pati na rin sa opisyal na website ng ILO.

Noong Agosto ng nakaraang taon, si Nina ay binigyan ng scholarship para sa kursong “Communicating Labor Rights” sa International Traning Center ng ILO (ITC-ILO) sa Turin, Italy. Dito niya sinumulang isulat ang kanyang istorya na kanyang ipinagpatuloy ng siya ay nakabalik na sa Pilipinas.

Isa sa nakatulong kay Nina para mas lalo pang mapaganda ang kanyang sinusulat ay ang kanyang naging karanasan sa paggawa ng kuwento sa mga pinauwing Overseas Filipino Workers mula sa Middle East noong Agosto 2009 matapos silang abusuhin ng kanilang mga employers.

Ayon kay ITC-LTO trainor na si Vittorio Longhi, ang artikulo ni Nina ay isang “global story” na sana’y makagawa ng marka sa Pilipinas at makatulong na mapaunlad ang kalagayan ng mga domestic workers.

Napapanahon din ang napiling paksa nin Nina dahil kabilang sa tatalakayin ng ika-99 na International Labor Conference ang paggawa ng international standards para sa proteksyon ng mga manggawa na naglilingkod sa ibang bansa.

Si Nina ay kilalang mamahayag ng ABS-CBN sa loob ng siyam na taon at nagbibigay ng ulat sa “TV Patrol World,” “Bandila,” sa ABS-CBN News Channe (ANC), Studio 23, at sa www.abs-cbnNEWS.com. Siya rin ang anchor ng news program na “Balitang Europe,” na umeere sa The Filipino Channel (TFC) at ANC. Pinangungunahan niya rin ang daily evening show na “Magandang Gabi Dok” at Saturday morning program na “Para Sa ‘Yo Bayan” kasama si Vice President Noli “Kabayan” De Castro sa DZMM TeleRadyo.









RELATED STORIES

  • No Related Post


LATEST HEADLINES

COMMUNITY NEWS

Canadian Immigration Policy and Filipino-Canadians:   Political Complexity, Multiple Objectives, and Rationality Beyond Community Self-Interest thumbnail Canadian Immigration Policy and Filipino-Canadians: Political Complexity, Multiple Objectives, and Rationality Beyond Community Self-Interest
Manmeet Singh Bhullar Park officially opens in Calgary thumbnail Manmeet Singh Bhullar Park officially opens in Calgary
One year later, Citizenship Act improvements lead to more new citizens thumbnail One year later, Citizenship Act improvements lead to more new citizens
On October 17, cannabis is legal in Canada. What does that mean for Calgarians? thumbnail On October 17, cannabis is legal in Canada. What does that mean for Calgarians?

PINOY STORIES

Quality education assured with SC ruling on K to 12 thumbnail Quality education assured with SC ruling on K to 12

HAVE YOUR SAY

HAVE YOUR SAY Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

PROMOTIONAL BLOCK

PROMOTIONAL BLOCK Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

TRAVEL NEWS



PINOY TOONS


Tags