Publisher's Note

  • Publisher’s Note

    by CK May is the month of flowers not just in the Philippines but also here in Calgary.  A lot of my neighbors have done their spring cleaning and unfortunately I cannot cope up with them.  I remember that during this time of the year my husband, Hank gets busier day by day.  He takes care [...]

    Read full post »


Visitors to Pinoytimes




Page added on December 22, 2013

Email this to a friendEmail This Post Email This Post                      Printable versionPrint This Post Print This Post

Pasko ng Pagpuri

ni Juan Manila

May sanggol na sinilang sa bayan ng Betlehem
Jesus ang pangalan sabi ng  anghel
Tala’y lumiwanag sa Silangan ng Israel
Nagsasabing dumating na, ating Emmanuel

Tatlong haring mago  agad bumisita
dala’y  ginto,kamanyang at mira
Simula ng bigayan,Pagpuri’t ,pagdakila
Kay Jesus na sanggol na hari ng madla

Ngayo’y nagsasaya pamilya’y nagbubunyi
Dahil kapaskuhan malapit ng mamimithi
HInihintay ng bata na laging nakangiti
Nakatingin sa mga punong tatad ng palamuti

Sa pagunita ngayong  ating kapaskuhan
masaya ang bawat miembro ng tahanan
sining ay maniningning buong kapaligiran
Parol ng Pilipino’y,nangagkikislapan

Narinig ko na  ang awiting masaya
Awiting pamasko ako pa’y napakanta
Unang Carolling ay biglang naalala
Tambol ko pa nga, ay gawa ni Ama.

Di namin alintana kung anong kapalit
ng Pamaskong awitin na aming hinatid
kasama ay  kaibigan, at ang mga tinig
Espirito ng pasko sa puso ay nakaukit

Ngunit para naman sa nangungulila
Anak ay malayo’t mga nagdurusa
mga nagkagalit na parehong lumuluha
maghawak kamay nawa kahit sa gunita

Tayoy magpasalamat ng walang humpay
sa Diyos na nagbigay , pagasa sa  buhay
Narito ang pagdiriwang na laging hinihintay
Maligayang Pasko na  buong pagpupugay.

Ngayong Pasko ay maging masaya at magkamit tayo ng kapayapaan ng isipan at nawa’y pagpalain  tayo ng poong maykapal..

Tunay nga ang mga bata ang numero unong nakararamdam ng Pasko.Huwag po sana silang biguin sa pagdiriwang nito.Ang mga magulang at nakatatanda ang dapat maging modelo sa pagsalubong sa pinakamahabang pagdiriwang ng taon.

Ang mga kasiyahan na ating ibibigay sa ating mga anak ay magiging baon hanggang sa kanilang pagtanda,malalaman nila  na ang espirito ng pasko ay nanggaling sa kanilang pamilya at kakaiba ang armonya nito.  Ituro din nating magpasalamat sa Diyos sa araw-araw lalo na’t sa araw ng Pasko.

Ang pasko ay pagibig, kapayapaan,at pag-asa.Ito rin ay pagbibigayan at pagtutulungan dahil sa ating iisang pananampalataya.
Sana’y marapatin natin kahit hindi pasko , manatili ang mga kaugalian at katangian  na ito sa ating mga puso.

Mula po sa FilCanadian Broadcasters Society kami po’y bumabati sa inyo,

Maligayang pasko !! at Manigong Bagong taon sa inyong  lahat!!!

Mabuting kalusugan,kasaganaan,at kasiyahan  para sa taong 2014.









RELATED STORIES

  • No Related Post


LATEST HEADLINES

COMMUNITY NEWS

WHAT IS THERE TO LOSE? thumbnail WHAT IS THERE TO LOSE?
Changes to Regulations Will See Age Increased for Dependent Child thumbnail Changes to Regulations Will See Age Increased for Dependent Child
ABS-CBN Files $5M Lawsuit Against Casinillo and Gonzalez For Selling Pirated Set-Top Boxes in Edmonton, Canada thumbnail ABS-CBN Files $5M Lawsuit Against Casinillo and Gonzalez For Selling Pirated Set-Top Boxes in Edmonton, Canada
Forever in our Hearts thumbnail Forever in our Hearts

PINOY STORIES

More Pinoys enjoys Kapamilya Shows via ABS-CBN TV Plus thumbnail More Pinoys enjoys Kapamilya Shows via ABS-CBN TV Plus

HAVE YOUR SAY

HAVE YOUR SAY Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

PROMOTIONAL BLOCK

PROMOTIONAL BLOCK Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, dolor sit ipsum.

TRAVEL NEWS



PINOY TOONS


Tags